Bakit malakas ang panghalina nina Aiai at Regine sa mga tibo?

Napupuno na ang inbox ng aming cellfone sa dami ng mga mensaheng tinatanggap namin tungkol sa kontrobersiyal na isyung kinapapalooban ngayon nina Aiai delas Alas at Regine Velasquez.

Walang away ang Asia’s Songbird at ang Comedy Concert Queen, pero may isang taong nag-uugnay sa kanilang dalawa, ang concert producer sa ibang bansa na dating karelasyon ni Aiai, si Susan Lim.

Nang maghiwalay kasi sina Aiai at Susan ilang buwan na ngayon ang nakararaan ay hindi naging maganda ang sitwasyon sa kanilang pagitan, dahil sa pag-entra sa eksena ng isang direktor mula sa ABS-CBN na diumano ay karelasyon ngayon ng komedyante, si Direk Malu Sevilla.

Ayon sa mga mensahe sa text na tinatanggap namin ay magkakabarkada pa raw noon sina Aiai, Susan, Malu at iba pang mga taga-Dos, hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lang daw ni Susan na sina Aiai at Direk Malu na pala.

Ang kuwento namang umiikot ay si Regine Velasquez ang nililigawan ni Susan, isang nakagugulat na pangyayari dahil ang alam namin ay may sinisingil pang malaking halaga si Susan kay Regine, nag-ugat ang problema sa mga concerts sa iba’t ibang lugar sa Amerika na si Susan ang nagprodyus, pero hindi nga napuntahan ni Regine dahil sa pagkakasangkot ng pangalan nito sa isyu ng human smuggling.

May nagpadala ng text message sa amin na nagsabing type raw ng direktor ng Dos ang Asia’s Songbird, hindi nga lang makapasa sa panliligaw ang direktor.

"Pero kung magkuwento si Malu, parang matagal na silang mag-on ni Regine, kahit tanungin n’yo pa ang mga taga-Dos?" bahagi ng mensaheng tinanggap namin.
* * *
Hindi raw nanliligaw ngayon si Susan Lim kay Regine, ang totoo ay naniningil pa raw hanggang ngayon si Susan, kaya paano mangyayaring nililigawan niya ang singer-actress?

"Huwag na sana nilang idamay pa si Susan sa mga kalokohang ‘yan, ang karelasyon ngayon ni Aiai ang dati nang patay na patay kay Regine, hindi si Susan!" isa pang mensahe sa text na tinanggap namin.

Ibig sabihi’y doble pala ang tama kay Aiai ng pangyayaring ito? Ang dati niyang karelasyon na si Susan ay balitang nanliligaw kay Regine at masakit na ‘yun, pero bigla pa niyang malalaman na mismong si Direk Malu pala na karelasyon niya ay matagal na ring nanliligaw kay Regine?

Nakakaawa naman pala kung ganu’n si Aiai, dahil ang akala niya’y siya ang nasa sentro ng puso ngayon ng direktor, pero hindi naman pala?

Pero bakit nga ba mukhang mailap ang kapalaran kay Direk Malu at sa iba pang may type kay Regine, sino ba ang taong sinasabi ng marami na humaharang para makalapit ang mga ito kay Regine?

Totoo nga kayang ang karelasyon ni Regine ay ang palagi niyang kasama-sama kahit saan na Patty ang pangalan?

Sa pagkakaalam namin ay business manager ni Regine si Patty, ito ang namamahala sa lahat ng iskedyul ng magaling na singer, pero bakit ganu’n ang kumakalat na balita?

At totoo kayang malaki ang galit ngayon ni Aiai kay Regine, dahil sobra ang pagseselos ng komedyana sa Asia’s Songbird?

Show comments