Pero, sa kanyang stature sa local movies ngayon, karapat-dapat si Daboy, tawag sa kanya ng lahat, sa titulong "the other king".
Isa siyang award winning actor, bankable star siya, tatlong ulit naging pangulo ng Actors Guild at ang pinakamahalaga, iginagalang siya ng kanyang mga kapwa artista. Maski na ang kinikilala niyang hari ng pelikula ay may paggalang sa kanya.
Sa kabila ng maraming taon bilang artista, nagawa niyang panatilihin ang kanyang popularidad. Piling-pili ang kanyang mga ginagawang projects na ang iba ay ginawa niya sa ilalim ng kanilang sariling produksyon ni Lorna Tolentino, ang Reflection Films. Gaya ng ginagawa niya sa kasalukuyan, ang Hula Mo, Huli Ko, na inaasahan niyang makakasama sa pitong pelikula na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival Philippines.
"Malaking tulong na rin ang P3 milyon na tatanggapin ng pelikula kapag napasama ito sa Magic 7. Mayroon na itong P1 milyong incentive na ibinigay ng Malacañang nang mapasama ito sa 10 entries na pagpipilian ng screening commitee para sa MMFFP," ani Daboy nang makausap ng ilang piling press sa shooting ng kanyang pelikula sa Music Museum nung Lunes ng gabi. "Patapos na ito, remnants na lamang ang kinukunan," imporma niya.
Kapareha niya sa Hula Mo, Huli Ko na ang unang titulo ay Una Corinto si Rufa Mae Quinto. Kasama rin sina Carlos Morales at Jenine Desiderio mula sa direksyon ni Boy Vinarao.
Dahil siya rin ang producer ng pelikula, involved si Daboy mula sa pagku-konsepto ng pelikula, shooting hanggang sa post-production. Pati sa paggawa ng trailer ay kasama siya.
Isang action na may touch ng comedy at drama ang Hula Mo, Huli Ko na tungkol sa madugong buhay ng isang kulto ni Satanas. Si Daboy ang secret agent na naatasan para itoy sugpuin.
Sa kabila ng mga taon, napangalagaan ni Daboy ang kanyang pangangatawan. Guwapo pa rin siya at hindi mo aakalain na binata na ang mga anak niya. "Regular na workout lamang sa gym at tamang pagkain. At mga twice a month ay nagpapagupit ako at nagpapatina ng buhok," amin niya.
Sino ba ang nagsabi na ang mga tunay na artista ay humble, kind, honest at madaling kausapin at pakisamahan? Isang magandang halimbawa nito si Daboy, na sa kabila ng kanyang narating ay hindi nahihiyang aminin na nasira lamang ang kanyang ulo nang pasukin niya ang pulitika.