Angelica Jones, pinalitan si Rosanna Roces bilang commercial endorser

Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang buhay ay nagsikap pa rin si Angelica Jones na patatagin ang kanyang showbiz career matapos mamayagpag sa isang programa ng RPN 9. Sumabak sa paghu-host ng Lunchbreak ng IBC 13, model at endorser din ng Jancen Skin Whitening Soap. Kinakain ang kanyang oras ng mga concert at roadshow.

Ngayon ay modelo naman siya ng Well Off Jeans na dating si Rosanna Roces ang endorser. Maganda ang naging negosasyon nila ng Mommy Beth niya sa Well Off Jeans sa owners na sina Jane at Ronald Dy na kapwa Thai citizen. Ang kasunduan ay sa tulong ni Dong Novelo na manager ng Face Asia Talent Creator.

Show comments