"Siyempre naman po, may limitasyon ang pagtanggap ko ng sexy roles. Hindi yung garapal o maghuhubot hubad ako sa pelikula. Hindi ko kaya yun. Pupuwede yung mga ginagawa nina Lorna Tolentino at Vilma Santos nung ka-edad ko sila. Im eighteen and I think its time na magpa-sexy na ako sa movie," wika niya.
However, di pa siya sexy sa Huwag Mong Takasan Ang Batas, kapatid siya rito ni Rommel Padilla at dramatic ang role niya.
May mga bold offers na pinag-aaralan si Daddy Manding Mansueto father ni Lovely).
"Ang kay Daddy lang po, basta hindi magiging malaswa. Okey sa kanya yun," pagtatapos ni Lovely.