Hans, sabak na rin sa pag-aartista!
November 6, 2002 | 12:00am
Kinumpirma sa amin ni Hans Montenegro na break na nga sila ng beauty queen turned TV host na si Miriam Quiambao at umabot lamang ng sampung buwan ang kanilang relasyon. Pero sa kabila ng kanilang break-up, open pa rin umano ang kanilang komunikasyon sa isat isa lalo pat mutual decision naman ang kanilang ginawang paghihiwalay.
"Mahal namin ang isat isa pero mahal din namin ang aming respective career na siya naming priority sa ngayon," pahayag ni Hans.
Hindi rin ipinipinid ni Hans ang pintuan ng kanilang muling pagkakabalikan ni Miriam.
"Wala kaming pinag-awayan ni Miriam at napakabait niyang tao. We had the right love at the wrong time. Siguro, kung kami talaga para sa isat isa, mangyayari yon but for now, pareho kaming naka-focus sa aming career," paliwanag pa niya.
Parehong wala na sa Unang Hirit ng GMA-7 sina Hans at Miriam pero wala umanong kinalaman ang kanilang break-up sa pagkawala nila sa programa.
"Miriam is too preoccupied sa kanyang trabaho sa Extra Extra kaya nag-decide siya na mag-quit na lang sa programa kesa madalas siyang absent. Ako naman, I wanted to try other things although hindi naman ako nakatali sa isang istasyon lang," aniya.
Klinaro rin ni Hans ang isyu na may kinalaman siya sa break-up ni Miriam sa dating kasintahan nito.
"Wala na sila ng kanyang ex-boyfriend nang pumasok ako sa eksena," pagtutuwid ni Hans.
Sa kauna-unahang pagkakataon, si Hans ay sasabak na rin sa larangan ng pag-arte dahil kasama siya sa pinakabagong teleserye ng Siyete, ang Habang Kapiling Ka at gumaganap siya sa role ng isang pari. Bukod dito, meron na rin siyang talk show sa Studio 23 at sa Cinema One. Mapapabilang din siya sa early morning show na Breakfast.
Hindi rin ikinakaila ni Hans na meron na siyang anak na babae, si Ashley, 3-1/2 yrs. old sa dating beauty queen na si Cara Subijano na naka-base ngayon sa Amerika. Limang taon ding namirmihan sa Amerika si Hans at nung isang taon lamang siya bumalik dito para sumubok sa showbiz. So far, maganda naman ang pagtanggap sa kanya at nagi-enjoy naman siya sa kanyang trabaho.
o0o
Unang nagkasama sa pelikula sina Vic Sotto at Michael V. sa pelikulang Ano Ba Yan in 1992 na sinundan ng part 2 ng Ano Ba Yan the following year. At that time, si Vic ang bida at si Michael V. ay isa lamang sa mga suporta ng pelikula. Pero nabago ang mga pangyayari nang sabay na magbida sina Vic at Michael V. sa pelikulang D Sisters (Nuns of the Above) na naging malaking hit nung Enero 1999. Tatlong taon halos ang binilang bago muling magkasama sa pelikula sina Vic at Bitoy (Michael V.) at itoy nangyari sa pelikulang Lastikman na siyang magsisilbing comeback movie ng dalawa. Si Vic ang bida ng Lastikman na remake ng pelikulang unang pinagbidahan noon ng ama ni Snooky Serna na si Von Serna. Although supporting role lamang ang ginampanan ni Bitoy sa pelikula, happy na rin siya dahil muli silang magkasama ni Vic sa pelikula.
Si Vic ang Lastikman at si Jeffrey Quizon naman ang kanyang magiging kaaway sa pelikula habang si Donita Rose ang love interest ni Vic. Kasama rin sa pelikulang ito na co-produced ng OctoArts Film at M-Zet Films sina Elizabeth Oropesa, Anne Curtis, Oyo Boy Sotto, Michelle Bayle at Goyong mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes. Ang nasabing pelikula ay nakalaan sa darating na Metro Manila Film Festival.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended