Ayon pa rin kay Vi ay hindi siya nakikialam pagdating sa lovelife ni Lucky. Nagbibigay siya ng suggestions kapag may ipinakikilala sa kanyang girlfriend pero, naniniwala siya na hindi pa handang pumasok sa isang seryosong relasyon si Lucky.
Naiyak sa kagalakan si Vi nang bonggang i-welcome sa ASAP bilang kapamilya ng ABS-CBN.
Magiging abala siya sa promosyon ng Dekada 70 na magiging entry ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines.
Yari na rin ang malaking Spanish galleon na gagamitin sa pelikula na ayon kay Direk William Mayo ay ido-donate nila sa Subic para maging tourist attraction.
Ang Lapu-Lapu ay isa sa inaabangang entry ng Calinauan CineWorks sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines kung saan naging all-out ang support ni Lito Lapid para matapos lang ang big-budgeted movie.
Pinabulaanan niya ang balitang nagkakamabutihan sila ngayon ni Marcus. Nang tanungin ng isang reporter kung totoong binigyan siya ng bahay ng prodyuser ng MMG Films na si Engr. Ervin Mateo ay natawa ito. "Anong bahay? Wala siyang ibinibigay sa akin at lalong hindi totoo ang tsismis tungkol sa amin. Naging magkakabarkada lang kami nito gayundin sina Ronald Gan at Yam Ledesma,"
Isang madaling araw nang i-pack-up ang kanilang syuting ay nagkatikiman ang dalawa sa van ng aktor na nakaparada sa isang madilim na lugar.
Ang aktor ay nagkaroon ng relasyon sa isang sikat na sikat ding aktres ngayon kung saan naging kontrobersyal ang kanilang pag-iibigan dahil hindi boto sa aktor ang pamilya ng ex-girlfriend.