Pyar, pinaparamdaman ni Marcus!

Marami ang hindi naniniwala na walang namamagitan kina Pyar Mirasol at Marcus Madrigal. Madalas silang makitang magkasama. Kung hindi sa mga lakaran na may kinalaman sa showbiz, maski sa mga bagay na personal, together din sila. Katulad ng paggu-grocery.

"Wala pa akong nagiging bf na artista. Si Marcus naman, isa lang mabuting kaibigan. Hindi naman nanliligaw bagaman at nagpaparamdam siya pero, hanggang dun lang. Ayaw namang magsalita. Pero, baka naman mali lang ang basa ko sa kanya. Baka talaga lamang siyang sweet sa kahit na kaninong babae.

"Maswerte ang babaeng mamahalin niya, dahil mahal niya ang trabaho niya. Mabait din siyang anak at kapatid," dagdag pa ng isa sa tatlong star ng pelikula ng Harvest Films na pinamagatang Sex Files. Isa itong trilogy ng sex tales na may tatlong tema, setting at characters na pinag-uugnay lamang ng isang newsboy na siyang tagasalaysay. Ginagampanan naman ni Lester Llansang. Tampok din sina Barbara Milano, Halina Perez sa direksyon ni Joven Tan.

Kapatid si Pyar ni Ana Capri na may boyfriend (John Apacible) na nang malaman niyang may affair kay Pyar ay tinadtad niya at ginawang langgonisa.

Sa programang Best Frends din nagsimula si Pyar. Nakasama niya rito sina Aubrey Miles at Maui Taylor.

"
Magkaibigan din kami ni Maricar (de Mesa) pero pinag-away kami para sa promo ng Buko Pandan. Tinotoo naman ito ni Maricar kaya hanggang ngayon hindi kami nagkikibuan," ani Pyar na hanggang kissing at breast exposure ang hangganan ng pagbu-bold.
*****
Palabas na bukas ang Kailangan Kita, ang pelikulang pinaka-hihintay ng maraming nakapanood at na-in love sa trailer nito.

Kunsabagay, talagang naghahanap ang mga manonood ng isang magandang pelikula. Di na bale kung bold ito o hindi. Ang kailangan ay may maganda itong istorya at mahusay na naikwento ng direktor.

Mayroon lahat nito ang Kailangan Kita, isang magandang istorya, isang lalaki na umuwi dito mula US para pakasalan ang kanyang girlfriend pero, sa halip ay na-inlove siya sa kapatid nito. Kung paano nilusutan ng mga major characters ang gusot (Aga Muhlach, Claudine Barretto, Rissa Samson), ang siyang magsisilbing accomplishment ni Direk Rory Quintos.

Kasama rin sina Jericho Rosales, Johnny Delgado, Cholo Escaño, Liza Lorena, Cris Villanueva, Gardo Versoza, at Dante Rivero.
*****
Magandang bold movie yung Two Timer starring Ara Mina, Wendell Ramos, Albert Martinez at marami pa. Mahusay na na-execute ni Direktor Mel Chionglo ang mga bold scenes ni Ara na gumaganap ng role ng isang ginang ng tahanan na bagaman at maligaya sa kanyang asawa ay naghahanap pa rin ng aliw sa piling ng ibang lalaki.

The film is clearly Ara Mina’s and Wendell’s. Nagawa nilang maipakita sa pamamagitan ng kanilang mga eksena ang init ng katawan na pinilit nilang pawiin sa pamamagitan ng kanilang illicit affair. Kaya marami ang naniniwala na totoo ang tsismis sa kanila.

Tanggap nang seksi si Ara, pero, si Wendell ay nagpakita ng potensyal na kaya niyang ungusan ang mga pangunahin nating movie studs. Maski ang co-star niyang si Albert.

Show comments