Naibulong ng host ang tungkol sa senior actress na malupit sa kanyang katulong. Katunayan ay plinantsa nito ang likod ng maid nang magalit ito dahil nasunog nito ang isa sa paborito niyang damit na isusuot sa syuting.
Sa kabiglaanan ay nakuha nito ang plantsa at idinikit sa likod ng katulong.
Ang senior actress ay isa sa nagtataglay ng pinakamagandang mukha noong kabataan niya at isa sa magaling umarte lalo na bilang kontrabida. In-demand pa rin ito sa paglabas sa pelikula at telebisyon.
Tuwang-tuwa nga sa pagkukwento si Gladys dahil nang tingnan niya ang maleta ng nobyo ay puro larawan niya ang laman gaya ng isang malaking picture frame, photo album nilang dalawa at video cam na nagpapakita ng mga pagbati ni Gladys sa kanya bago umalis. Pinadalhan din nito ng 15 sulat si Chris na babasahin niya tuwing linggo. Bilin ng aktres na huwag bubuksan ang lahat ng sulat kundi linggu-linggo para hindi siya mainip.
Ngayon pa lang ay panay na ang overseas call sa kanya ng nobyo kaya sinabihan na niya ito na paminsan-minsan na lang siyang tawagan dahil mahal ang bayad. Sinabi ni Chris na nami-miss na niya ang nobya at baka hindi siya makatagal ng isang taon. Pinaliwanagan naman siya ng aktres na magtiis alang-alang sa katatagan ng kanilang kinabukasan.
Samantala noong nakaraang birthday celebration ko ay panay ang puri ng mga bisita sa kaguwapuhan ni Chris at sinabing kapag nagkaanak sila ay tiyak na napakaganda o napakaguwapo ng magiging baby nila dahil sa pagiging half Italian ng aktor.
Samantala, ongoing pa rin ang annulment case nila ni Ness. Ayaw nitong magsalita ng patapos kung magkakabalikan pa rin sila ng dating asawa balang araw. Hindi niya alam kung ano pa ang mangyayari sa kanila thirty years from now.
Inamin naman ni Joey na kundi man siya naging mabuting asawa ay hindi naman siya naging pabayang ama. Naipaliwanag na niya sa mga anak ang dahilan ng kanilang paghihiwalay na mag-asawa at naintindihan naman ito ng mga anak.
Totoo ba na dumadalaw pa rin siya sa Tahanan Village? "Ang mga anak ko ay nasa poder ni Ness kaya natural lang na puntahan ko ang mga bata. Minsan ako ang sumusundo sa kanila at minsan naman si Ness. Gusto kong maipakita sa aking mga anak na kahit hiwalay na kami ng kanilang ina ay isang pamilya pa rin kami," sey ng butihing mayor.
Gaano katotoo ang balitang may tampo siya sa Dos?
Pero ayon kay Uno, hindi naman siya pinababayaan ng Dos at suportado pa rin nila ang kanyang career. Nabibigyan naman siya ng mga out-of-town shows. Nakapag-ipon naman siya ng pera na kinita sa mga pelikula at TV shows kaya siya nakapagpundar ng negosyo at sasakyan. Mayroon siyang F-150 at Explorer. May investment pa rin siya sa pagtatayo ng iskwela sa tulong ng kanyang pamilya.
Naghahanda na siya sa mga shows ngayong Kapaskuhan bukod pa sa kanyang campus tour with Aiza Seguerra this January sa ibat ibang iskwelahan kung saan ang proceeds ay mapupunta sa feeding program ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club).
Malaki ang pag-asa ni Melvyn na sumikat bilang recording artist balang araw dahil may ibubuga siya sa pag-awit guwapo rin naman at malakas pa ang karisma. Higit sa lahat, maganda ang PR niya gayundin ang manager kaya malaking tulong ang ibinibigay sa kanya ng mga press people.