Ang huli niyang pelikula, Munting Tinig ay second week na sa mga sinehan. Bukod pa ito sa papuring natanggap niya sa Toronto Film Festival kung saan dinala ang pelikula for exhibition.
Ang Munting Tinig din ang napili ng Film Academy of the Philippines na maging entry ng bansa sa foreign language competition sa prestigious na Oscars.
Excited na si Alessandra nang makausap ko siya sa birthday party ni Manny Valera. Kinakabahan daw siya dahil maraming kalaban sa final screening. Siyempre, makakalaban niya yung malalaking pelikula na galing sa ibat ibang bansa.
Kaya nga advise ko sa kanya, magdasal na tulungan siyang mapansin ng board of jurors ng Oscars na makasama sa finalist ang Munting Tinig.
Hindi lang karangalan ni Alessandra ang nakataya rito, kundi karangalan nating mga Pilipino kaya tulungan natin siyang magdasal na mapansin ng board of jurors ang pelikula niya na dinirek ni Gil Portes.
Ganun pa man natutuwa ako at naging maganda ang resulta ng kaso nina Manny at Assunta. Hindi na sila umabot sa korte, napag-usapan nila ang problema ng walang abogado.
Napakaliit lang ng mundong ginagalawan natin para mag-away pa tayo. At sana sa darating na panahon ay tuluyan nang mabuwag ang pader sa pagitan nina Manny at Assunta at maging sa kapatid niyang si Alex.
Hindi nasunod yung sinasabi nilang wholesome presentation dahil lumabas na sobrang naughty ng show.
Pero hindi na ako nagulat na ganun ang nangyari dahil kilala naman sina Rico at Rosanna sa ganitong palabas na labis na ikinasisiya ng manonood.
First time kong mapanood si Rosanna. Magaling pala siyang performer. Very wild lang sa kanyang mga number kaya nag-enjoy nang husto ang audience lalo na ang mga kalalakihan.
Hindi ko na kailangang purihin si Rico na kilala sa kahusayan sa pagkanta at pagpapatawa.