Alessandra payag makasama ang kanyang ate Assunta
November 2, 2002 | 12:00am
Malaki ang nagawa kay Alessandra de Rossi ng mga tropeo bilang magaling na artista at paghanga sa kanya sa ibat ibang mga international festival na nadaluhan na nito sa pagiging propesyunal nito pagdating sa kanyang movie career.
Nagpahayag siya ng pagsang-ayon na makasamang muli ang kapatid na si Assunta sa isang pelikula. "Trabaho lang naman yan eh. Kung may personal kaming problema ay walang kinalaman iyon sa magiging trabaho ko. Okey lang sa akin na magkasama kami."
Kung totoo ang balita, gagawa ng unang pelikula si Assunta sa ilalim ng kanilang sariling movie produksyon ni Congressman Jules Ledesma.
"Payag akong makasama uli sa pelikula ang aking kapatid at kahit na sa kanilang movie company. Di malayong papayag din ako kahit na si Congressman ang magdidirek ng pelikula. Artista ako at kailangan ko ang project. Bakit naman ako aayaw kung tama naman ang ibabayad nila sa akin?"(Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended