Malaya na si Assunta!
November 2, 2002 | 12:00am
Sa susunod na paghaharap sa Pasig-RTC nina Maria Assunta Schiavone at Emmanuel Valera ay magiging maganda na ang klima.
Wala na tayong maririnig na pag-aargumento ng magkabilang panig sa pamamagitan ng kanilang abogado, dahil nung nakaraang Sabado ng gabi ay nagkapirmahan na sila para sa ikatatapos ng asuntong isinampa ni Assunta de Rossi, laban sa kanyang manager na si Manny Valera.
Kabaligtaran nga lang ang nangyari dahil ang nagdemanda pa ang magbabayad sa kanyang idinemanda, apat na milyong piso ang sangkot sa kasunduan, halagang kailangang bayaran ng aktres sa kanyang manager.
Kung matatandaan, nung Setyembre 30 ay sinampahan ni Assunta ng ibat ibang kaso si Manny Valera, kabilang na ang sumusunod:
For annulment of contract, damages and accounting, with prayer for TRO (Temporary Restraining Order) and writ of prohibitory injunction.
Sa biglang tingin ay nakatatakot ang nilalaman ng sinumpaang pahayag ni Assunta sa korte, pero ang bawat aksyon naman ay meron ding depensa, kaya nagpalitan sila ng katwiran at argumento.
Menor de edad daw siya nang pumirma ng kontrata, kaya hindi balido yun, pero napatunayan naman ni Direk Manny na dahil menor de edad nga ang aktres ay ang kanyang mga magulang ang pumirma para sa kanya.
Hindi raw naiintindihan ni Assunta ang nilalaman ng kanyang kontrata dahil si Manny lang naman at si Mommy Nette ang nagkakaalaman, pero nabasag na naman ni Direk Manny ang argumento nang manindigan ang ina ni Assunta na lahat ng proyektong tinatanggap nila ay dumadaan muna kay Assunta.
Sampung milyong piso ang gustong halaga ni Direk Manny bilang halaga ng kalayaan ni Assunta sa pangangalaga nito, halagang tinawanan lang ni Assunta, kaya nga sa kanyang demanda ay si Manny pa ang kanyang pinagbabayad ng 600,000 para sa moral and exemplary damages, 250,000 para sa bayad sa abogado at 150,000 para sa litigation expenses.
Pero sa halip na matupad ang gustong mangyari ni Assunta ay nabaligtad ang pangyayari, ang kanyang kampo pa ang nakipagkasundo sa kampo ni Direk Manny, na ang kinauwian ay ang pagbabayad niya ng apat na milyong piso para sa kanyang kalayaan sa pangangalaga nito.
Ang lahat ng nakapaloob sa sinumpaang pahayag ni Assunta sa korte ay gusto nang itapon ngayon ni Direk Manny, kahit pa binaligtad siya ng aktres.
Pero kay Direk Manny ay sobra pa sa sapat ang ginawang pakikipagkasundo ng kampo ni Assunta sa kanya, pati na ang nakatakda nitong pagbabayad ng apat na milyong piso, dahil ang kahulugan noon ay ang buong-buo niyang kredibilidad.
Kulang ng anim na milyon sa kanyang turing ang ibabayad sa kanya ni Assunta, pero ano ba naman ang nawalang anim na milyon, kumpara sa kanyang prinsipyo?
At maitatala natin ngayon sa kasaysayan ng hustisya na ang nagdemanda pa ang magbabayad sa idinemanda, isang kwentong magsisilbing inspirasyon ngayon sa marami, dahil hindi pala lahat ng regalong may magandang pabalat ay may magandang laman.
Nagdiwang ng kaarawan si Direk Manny noong Lunes, at hindi man sabihin ng may kaarawan ay ito na siguro ang panahong hinding-hindi niya malilimutan.
Bumangga siya sa pader, pero sa halip na siya ang mabukulan ay ang pader pa ang nasaktan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended