Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maghaharap sa isang ispesyal na palabas ang dalawang sikat na grupo ng mga mananayaw sa local entertainment scene.
Tulad ng Streetboys, ang Sex Bomb Dancers ay pinasok na rin ang recording business at pelikula. Kasalukuyang tinatapos ng Sex Bomb Girls ang kauna-unahan nilang film assignment mula sa Regal Films, ang Bakit Papa?.
Magkakaroon ng solo dance numbers ang mahuhusay sa hatawan na dancers ng Sex Bomb Girls na sina Aira Bermudez, Mia Pangyarihan, Mae Acosta, Sandy at Che-Che Tolentino, Grace Nierra at Jackie Rivas.
Mabibili na ang tiket sa Klownz Comedy Bar. Maaaring tumawag sa mga telepono bilang 411-1488, 3714870 and 0917-8109394.