Rodel Velayo may ibubuga sa acting

Kahit kung saan-saang soap opera na lumalabas si Rodel Velayo ay hindi pa rin daw niya maiwan ang pagpapaseksi sa pelikula. He’s been a part ng Sana ay Ikaw na Nga and guested in Bituin, pero ayaw niyang bitiwan ang trono bilang isa sa pinaka-promising na sexy dramatic actor.

May mga fans na babae at bading si Rodel na nakatutok whenever he has a movie sa Seiko at ‘yon ang nag-uudyok para kay Rodel na huwag iwan ang pagpapaseksi.

Sa mga nagdaang pelikula ni Rodel sa Seiko, he already proved his sensitivity as an actor. Nando’n na yung depth. At pag nahasa pa ito lalo, tiyak na mai-elevate na siya as serious dramatic actor. Nagpakita na siya ng husay ng acting sa Bakat.

Hindi ba siya nako-conscious kung mataas ang expectations ng tao sa kanyang performance sa bawat pelikulang ginagawa niya?

"Medyo conscious ako ngayon sa acting ko pero sabi nila, dapat daw hindi ganu’n. Kaya as much as possible I’m trying to be natural. ‘Yung effortless na tinatawag pero nando’n pa rin ‘yung intensity.

Masuwerte si Rodel dahil pareho niyang naka-love scene sa Kasiping sina Halina Perez at Diana Zubiri.

Show comments