^

PSN Showbiz

Jolina mas masaya sa GMA kaysa ABS-CBN

- Veronica R. Samio -
Inamin ni Jolina Magdangal na wala na siyang mahihiling pa sa napakagandang trato na tinatanggap niya sa GMA. Kahit na hindi siya eksklusibong artista ng nasabing network, damang-dama niya ang malasakit nila mula sa pinakamataas na ehekutibo hanggang sa pinakamababang empleyado. "May malasakit sila sa mga trabahador nila. Pumupunta sila ng taping para matiyak na maayos itong napapatakbo at kapag may gusto silang ipagawa sa akin o may assignment silang gustong ibigay, inaalam muna nila kung pwede ako. Kapag hindi, okay lang sa kanila. Wala akong nakikitang pagkagalit kapag may mga trabaho na hindi ko magawa," ani Jolens na muli ay hinarap ang kanyang mga "kakosa" sa press sa isang simpleng hapunan ng inihaw na manok at gulay na isa nang ritwal maski nung nasa kabilang istasyon siya.

Samantala, patuloy ang GMA sa paghahatid ng mga palabas na de-kalidad, maging ito ay teledrama, sitcom, o news programs na walang katapat sa integridad at sa paghahatid ng serbisyong totoo.

Nung Linggo, inilunsad sa programang SOP ang bagong "station ID" ng GMA sa pamamagitan ng isang higanteng all-star extravaganza na ginanap ng live, simultaneously, mula sa Cebu, Baguio, Davao at GMA Network. Sa pamamagitan ng bagong ID, nais ipakita ng GMA na kapuso sila ng pamilyang Pilipino, anuman ang kulay ng buhay.
*****
Madalang man ang pelikula ni Daisy Reyes, ratsada naman ang beauty niya sa pagkanta. Malaki ang bentahe niya sa kanyang mga kalabang recording artist dahil bukod sa talagang kumakanta siya ay artista pa rin siya. Nagagawa niyang paghaluin ang pagkanta at pag-arte sa stage at ang palaging resulta ay isang explosive performance dito sa Kamaynilaan at maging sa mga probinsya. Umaabot din siya ng ibang bansa para kumanta. Available na ang CD at cassette ng kanyang album na ginawa sa Dyna Music na pinamumunuan ni G. Howard Dy bilang managing director at CEO. Binubuo ito ng mga English at Tagalog songs at ilang revivals –"Love Me Tender", "Tayo’y Magsayawan", "Ingatan Mo Ang Puso Ko", "Basta’t Kasama Kita", "Pag-ibig Sa Tag-araw", "I Will", "I Need You", "Too Much Heaven" at marami pa.

"It’s a long cherished dream. Maliit pa ako ay fascinated na ako sa mga singers. Inihahandog ko ang album sa aking mga magulang, sa aking ina na very supportive sa aking career at sa aking ama na kung saan ay namana ko ang talento sa pagkanta."

Hindi tinatalikuran ni Daisy ang pelikula. "Anytime an offer comes along, as long as it’s interesting, I’ll gladly do it," sabi niya.

Nagkaroon siya ng solo birthday concert kamakailan lang at sa mga susunod na linggo, magpu-promote siya ng album niya sa mga malls. Nasa Robinson’s Pampanga siya sa Nob. 9, 4:00 n.h.

DAISY REYES

DYNA MUSIC

HOWARD DY

I NEED YOU

I WILL

INGATAN MO ANG PUSO KO

JOLINA MAGDANGAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with