Sa ngayon ay ginagawan ito ng kaunting pagbabago para maging angkop sa klase ng negosyong gusto ni Piolo.
"May mga taong malalapit sa akin na nagsabing may malas daw sa lugar na kinatatayuan ngayon ng aking negosyo na hindi ko pinaniniwalaan. Kung totoo man ito, kailangang i-break ito ngayon," pahayag nito.
Naniniwala ang aktor na sa klase ng produkto na kanilang ihahandog sa mahihiligin sa naiibang lasa ng kape na galing Australia, tiyak nitong dadayuhin ang kanyang lugar. Ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob nila na makipagsabayan sa ilang establisimyento na may ganoong produkto.(Ulat Ni Alex Datu)