^

PSN Showbiz

May malas sa bagong negosyo ni Piolo

-
Ayaw maniwala si Piolo Pascual sa sinasabi ng ilang malalapit sa kanya na huwag nang ituloy ang bagong negosyo ni-yang coffee bar. Ito ang Mocha Blend na matatagpuan sa Mora-to Avenue, Quezon City. Dito unang itinayo ang Cilantro ni Die-ther Ocampo. Isa itong restaurant na nagsara pagkatapos ng mahigit isang taon lamang. Napalitan ito ng isang sing-along bar, ang E-Place na tulad din ng naunang negosyo ay di nagtagal at nagsara rin.

Sa ngayon ay ginagawan ito ng kaunting pagbabago para maging angkop sa klase ng negosyong gusto ni Piolo.

"May mga taong malalapit sa akin na nagsabing may malas daw sa lugar na kinatatayuan ngayon ng aking negosyo na hindi ko pinaniniwalaan. Kung totoo man ito, kailangang i-break ito ngayon," pahayag nito.

Naniniwala ang aktor na sa klase ng produkto na kanilang ihahandog sa mahihiligin sa naiibang lasa ng kape na galing Australia, tiyak nitong dadayuhin ang kanyang lugar. Ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob nila na makipagsabayan sa ilang establisimyento na may ganoong produkto.(Ulat Ni Alex Datu)

AYAW

DITO

E-PLACE

ISA

MOCHA BLEND

NANINIWALA

PIOLO PASCUAL

QUEZON CITY

ULAT NI ALEX DATU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with