Hinayang na hinayang ang kanyang ina na si Annabelle Rama na nagsabing "Tinatrato siyang parang isang prinsesa ni Botelho. Hatid at sundo siya ng limousine, libre ang mga damit niya at malaki ang bayad niya. Nalungkot ako nang malaman ko ang naging desisyon niya."
Matatandaan na ang kumpanya ni Botelho ang nagdala kay Ruffa sa Grammy Awards, Cannes Festival at naging dahilan para makaniig niya ang maraming foreign celebrities sa maraming panig ng mundo.
"Gusto ko munang dito sa atin mag-concentrate. Baka kasi makalimutan na ako ng tao," aniya.
Sa kasalukuyan ay endorser siya ng Ricky Reyes Salons. Tumutulong din siya sa proyekto nito para sa mga batang may cancer sa PGH. Bukod sa mga guestings niya sa TV, regular siya sa sisimulang serye ng GMA, ang Habang Kapiling Ka na may isang all-star cast. Makakasama niya rito ang ex-bf niya na si Zoren Legaspi at in-demand siyang host sa mga corporate events, ang pinakahuli ay ang PAL event sa Cebu at ang Guess anniversary sa NBC Tent.
May kakambal siya, si Robby na myembro ng Star Circle Batch 10. Tapos siya ng BS Management sa Ateneo, may taas na 57" at may sukat na 32-25-34. Parehong journalists ang kanyang parents, si Robert Mananquil ng Journal Group at si Millet Martinez-Mananquil ng Philippine Star.
Host siya ng Fashion TV (FTV) Philippines at The Kikay Magazine (TV show on fashion, beauty and style sa Juice TV). May column siya sa Philippine Star (Eye Style) at nakalabas na sa tanghalan, sumayaw na kasama sina Lisa Macuja, Liza dela Fuente at ang Philippine Ballet.
Nakita siya ng Star Cinema sa Preview magazine habang nagka-cast sila sa Kailangan Kita.
Baka masundan ang Kailangan Kita dahil nag-enjoy siya sa pelikula gaano man kaikli ang role niya.