Si Ms. Charo Santos-Concio (Executive Vice-President & Head of Entertainment Group) ang nag-award ng 15-year awardees samantalang si Ms. Cory V. Vidanes (Senior Vice-President for Television) ang sa mga 10-year awardees. Sina Ms. Leng Raymundo (Vice-President for Talk & Musical Programs) at Ms. Joanna Gomez-Santos (Vice-President for Comedy Programs) naman ang nag-award ng 5-year awardees na kinabibilangan nina Kaye Abad, Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Carlos Agassi, Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, Nikki Valdez, Carol Banawa, Mylene Dizon, Baron Geisler at iba pa.
Humigit-kumulang na 80 awardees ang nasa listahan ng ABS-CBN. Hindi nakarating ang iba dahil may mga previous commitments na.
At siyempre, ang mga loyal directors naman ng ABS-CBN ay sina Olivia Lamasan, Rory Quintos, Wenn Deramas, Gilbert Perez, Jerry Sineneng, Malu Sevilla, Laurenti Dyogi, Don Cuaresma, Trina Dayrit, Leo Rialp, Erick Salud, Andoy Ranay, John-D Lazatin, Jojo Saguin, Arnel Natividad, Bobet Vidanes, Romy Veron, Jilmer Dy, Jerome Pobocan, Cathy Garcia-Molina, Alco Guerrero at iba pa.
During the contract-signing, maraming kuwentong nag-flashback kay Mayor Vi. Ikinuwento niya na ang mga taong makakatrabaho niya ay the same people na nakatrabaho niya during her Vilma days sa GMA-7. Si Ms. Chit ang executive producer