Maricar nakahandang pumalit kay Assunta

Masuwerte si Maricar de Mesa sa kanyang movie career dahil no less than Direk Maryo delos Reyes ang humawak sa kanya sa pinakahuling pelikula nito, ang Bedtime Stories.

Maraming nagsasabing tiyak na si Maricar ang susunod sa yapak ng gustong mamaalam sa kanyang movie career na si Assunta de Rossi dahil mas pinili nito ang pag-ibig kay Cong. Jules Ledesma. Matatandaang biglang umangat ang pagka-bituin ni Assunta nang gumawa ito ng isang trilogy movie, ang Red Diaries na si Direk Maryo delos Reyes din ang gumawa.

Kung nagpakita ng boobs at pubic hair si Assunta sa kanyang bold movies, tinitiyak na pag-iisipan muna ni Maricar ang ganoong eksena kung sakaling may ganoong eksenang ibibigay sa kanya.

"Maraming eksenang may breast exposure ako na sa tingin ko ay just enough. Pero iyong magpakita ng aking pinaka-private part or even my pubic hair, ibang usapan na yan. Kailan man di ko gagawin ang mga eksenang alam kong di papasa sa MTRCB." – Ben Dela Cruz

Show comments