Pero kakaiba ang tipo nitong bagets-hindi yung mestiso at malinis sa katawan. Type nito ang brusko na malalaki ang muscle sa braso ayon sa aking source na ala-gasoline boy ang dating pero siyempre dapat may itsura naman at maskulado ang katawan.
Naging matinee idol ang aktor nung kasagsagan ng popularidad niya hanggang sa mag-migrate sa Amerika. Nang bumalik ito sa bansa ay kasama na ang kanyang anak na dalaga na di kalaunan ay naging TV personality na rin.
Kinumusta rin namin ang kanyang mga anak at sinabi niyang mapalad sila ni VRB Chairman Bong Revilla dahil mababait sina Bryan at Jolo at hindi nagbibigay sa kanila ng sakit ng ulo. "Gustung-gusto nila sa showbiz pero hindi nila dapat kalimutan ang pag-aaral. Second year high school sa La Salle (Ayala) ang kanyang panganay na anak samantalang nasa first year high school naman si Jolo. Thirteen years old na si Ina at nasa honor list ng klase sa La Salle rin. Teener na siya pero walang hilig sa showbiz," sabi ni Lani.
Kung siya ang masusunod ay ayaw niyang pag-aartistahin ang anak dahil gusto niyang maibuhos ang panahon sa pag-aaral.
Naniniwala si Melissa na magiging maganda ang kanilang kinabukasan sakaling lumagay sa tahimik dahil responsable sa buhay si JC, masipag at may mga negosyong inaasikaso.
Dumalo ako sa Holistic Healing Approach to Cancer na isinagawa ng BETHESDA Springs of Hope Healing Ministry. Nagkaroon din ng Music Sensory Perception.
Isa sa mahalagang bagay na natutunan namin ay ang paghingi kay Lord ng kapayapaan para sa sarili. Dapat alisin ang galit, takot, guilt, frustration sa puso dahil itoy humahantong sa tensyon na siyang pinag-uugatan ng cancer. Ang pagpapatawad sa kapwa ay nakakaalis din ng bigat sa dibdib.
Isa sa mga cancer victims na naging speaker ang nagsabing nawawala ang kanyang takot dahil sa pagkapit sa Panginoon. Natuto siyang ibaling ang panahon sa kapaki-pakinabang na bagay gaya ng painting. "I paint when Im sad. I paint when Im happy at sa ganitong paraan ay naipapahayag ko ang aking pananaw," anang speaker. Nasa stage 4 ang kanyang cancer at kasalukuyan pa ring nagpapa-chemotherapy.