^

PSN Showbiz

Tatay ng TV host, brusko ang gusto

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi na lang pinapansin ng isang magandang celebrity ang hilig ng kanyang amang aktor na balikbayan na manghala ng bagets kapag narito sa bansa. Berde rin ang dugo nito kung saan ngayon lang tuluyang naglaladlad ng saya.

Pero kakaiba ang tipo nitong bagets-hindi yung mestiso at malinis sa katawan. Type nito ang brusko na malalaki ang muscle sa braso ayon sa aking source na ala-gasoline boy ang dating pero siyempre dapat may itsura naman at maskulado ang katawan.

Naging matinee idol ang aktor nung kasagsagan ng popularidad niya hanggang sa mag-migrate sa Amerika. Nang bumalik ito sa bansa ay kasama na ang kanyang anak na dalaga na di kalaunan ay naging TV personality na rin.
Lani, Ayaw Papag-Artistahin Ang Anak
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Lani Mercado sa birthday party ng kaibigang si Julie Fe Navarro. Ipinagmamalaki nito na pagganda nang paganda ang papel na ginagampanan niya sa Ang Iibigin ay Ikaw ng GMA 7 kung saan mula sa pagiging mataray na asawa ni Christopher de Leon ay magiging kontrabida na siya sa soap opera.

Kinumusta rin namin ang kanyang mga anak at sinabi niyang mapalad sila ni VRB Chairman Bong Revilla dahil mababait sina Bryan at Jolo at hindi nagbibigay sa kanila ng sakit ng ulo. "Gustung-gusto nila sa showbiz pero hindi nila dapat kalimutan ang pag-aaral. Second year high school sa La Salle (Ayala) ang kanyang panganay na anak samantalang nasa first year high school naman si Jolo. Thirteen years old na si Ina at nasa honor list ng klase sa La Salle rin. Teener na siya pero walang hilig sa showbiz," sabi ni Lani.

Kung siya ang masusunod ay ayaw niyang pag-aartistahin ang anak dahil gusto niyang maibuhos ang panahon sa pag-aaral.
Matatag Ang Relasyon Nina Melissa At JC
Sweet na sweet naman sa party din ni Julie Fe sina Melissa Mendez kasama ang nobyong si JC Castro. Pinabulaanan nito ang kumakalat na balitang hindi na matutuloy ang kanilang kasal. "Going strong ang aming relasyon ni JC. Walang problema at compatible kami sa lahat ng bagay kaya matutuloy ang aming kasal at siyempre imbitado kayo," sey ng aktres.

Naniniwala si Melissa na magiging maganda ang kanilang kinabukasan sakaling lumagay sa tahimik dahil responsable sa buhay si JC, masipag at may mga negosyong inaasikaso.
Breast Cancer Awareness
Itinaguyod ng Liz Claiborne ang "Breast Cancer Awareness" sa pagkakaroon ng seminar na idinaos noong 18 at 26 ng kasalukuyang buwan. Ito’y sa pakikipagtulungan din sa Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) kung saan naging punong abala si Ms. Aida Tieng.

Dumalo ako sa Holistic Healing Approach to Cancer na isinagawa ng BETHESDA Springs of Hope Healing Ministry. Nagkaroon din ng Music Sensory Perception.

Isa sa mahalagang bagay na natutunan namin ay ang paghingi kay Lord ng kapayapaan para sa sarili. Dapat alisin ang galit, takot, guilt, frustration sa puso dahil ito’y humahantong sa tensyon na siyang pinag-uugatan ng cancer. Ang pagpapatawad sa kapwa ay nakakaalis din ng bigat sa dibdib.

Isa sa mga cancer victims na naging speaker ang nagsabing nawawala ang kanyang takot dahil sa pagkapit sa Panginoon. Natuto siyang ibaling ang panahon sa kapaki-pakinabang na bagay gaya ng painting. "I paint when I’m sad. I paint when I’m happy at sa ganitong paraan ay naipapahayag ko ang aking pananaw," anang speaker. Nasa stage 4 ang kanyang cancer at kasalukuyan pa ring nagpapa-chemotherapy.
Maricar, Patok Sa Takilya
Tuwang-tuwang ibinalita ni Jojo Galang, prodyuser ng World Arts Cinema na kumita sa takilya ang pelikula ni Maricar de Mesa na Bedtime Stories. Nasa Grand Central Cinema sila sa Caloocan nang makausap ko at sinabing punum-puno ang mall ng mga tao dahil pinagkakaguluhan si Maricar.

ANG IIBIGIN

AYAW PAPAG-ARTISTAHIN ANG ANAK

BEDTIME STORIES

BREAST CANCER AWARENESS

CENTER

CHAIRMAN BONG REVILLA

LA SALLE

MARICAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with