Showgirls hahataw sa Casino Filipino

Hahataw ngayong gabi (October 25, 9 pm) sa Casino Filipino-Parañaque ang sampung pinakaseksing female stars ng local TV and movie industry. Pinamagatang Showgirls: A Dance Concert, ito na nga marahil ang pinakamainit na palabas ng taon na pinangungunahan nina Maui Taylor Michelle Bayle, Lana Asanin, Maureen Larrazabal, Lolita de Leon, Aleck Bovick, Regine Tolentino, Jenny Miller, Glydel Mercado at Diana Zubiri.

Produced ng Live Artists Production at sponsored ng Casino Filipino-Parañaque, Master Facial Cleanser, Ambi Pur Car Freshner, Lexber Holiday International, Club Panoly Resort-Boracay at Manila Bulletin, Showgirls: A Dance Concert—is the first ever show na ganito ang tema.

Tinaguriang Battle of the Bodies ang nasabing concert dahil magsasalpukan ang sampung "showgirls" sa pagalingan sa pagsayaw at palakasan ng sex appeal. Abangan ang mga specially-choreographed numbers.

Maliban sa sexy dance numbers, dapat ding abangan ng mga manononood ang sexy costumes na isusuot ng mga tampok na artista.

Special guest din sina Marissa Sanchez, Alynna at ang sexy singer na si Selina Sevilla. Ang Whiplash at Groove Manila ang mga back-up dancers.

For tickets, tumawag sa Live Artists Production sa telephone numbers 920-2643 o cellphone number 0918-922-1542 at SM Ticketnet at 911-5555.

Show comments