Liza Dino ipinakilala ang sarili sa press

It’s unfortunate na kasama siya sa pelikulang Two Timer ng Regal Films na nagtatampok kina Ara Mina at Wendell Ramos pero, bukod sa kanya at mga malalapit sa kanya, walang nang nakakaalam nito.

Hindi siya kasama sa billing ng movie at lalo na sa mga pa-presscon nito. First movie pa naman niya ito at excited siya.

Mabuti na lamang at kaibigan niya si Nitz Miralles, isang sikat na movie writer. Ito ang tumutulong sa kanya para siya makakuha ng mileage sa print media.

Kahit bold movie ang Two Timer, hindi siya na-assign na magpaka-daring dito. Wala siyang ipinakitang katawan bagaman at kayang-kaya niya. Dati siyang humahawak ng titulong Mutya ng Pilipinas. Wala rin siyang love o kissing scenes. Ipinamahala ito ng direktor na si Mel Chionglo sa kanyang bidang babae na si Ara Mina. Ang role na ginampanan ng baguhang si Liza Dino ay ang role ng confidante ni Ara. Si Liza ay isa sa dalawang anak na babae ng matapang na barangay chairman na nagpasimuno para mahuli ang perpetrator ng rape sa isang batang babae.

Natatandaan n’yo? Kailan lamang sumailalim sa lethal injection ang nasabing rapist.

"Lahat ng eksena ko sa Two Timer ay kasama ko si Ara, mayroon isa na kasama si Wendell," aniya.

"Passion ko talaga ang pag-aartista. Kaya nag-workshop ako. After this, kinuha ako ni Direk Mel para sa Two Timer.

"Hindi ako nag-aartista dahil wala lang akong magawa. Alam ko kung ano ang pinasok ko at kung ano ang kailangan kong gawin," dagdag pa rin ng modelo ng Likas Papaya soap.

"Dumaan ako sa lahat ng proseso na pinagdadaanan ng isang commercial model, mula sa VTR, preparation hanggang sa actual filming."

When asked kung tatanggap siya ng bold role, sinabi niya na masyado nang marami ang mga lumalabas dito. Mas gusto niyang sumubok sa ibang genre.

Graduating na si Liza sa UP na kung saan ay kumukuha siya ng Speech and Communications. "Thesis na lamang ang paghahandaan ko at pagtutuunan ko na ng pansin ang aking acting career," imporma niya.

Nakatakda siyang lumabas sa isang bagong teleserye na inihahanda ng GMA. Hawak Ko Ang Langit ang titulo nito at prodyus ng TAPE, Inc, producer din ng Eat Bulaga. Makakasama niya rito si Assunta de Rossi.
* * *
Natatawa na lamang si Rica Peralejo na pilit silang pinag-aaway ng kanyang kasama sa pelikulang Hibla na si Maui Taylor gayong barkadang-barkada sila nito.

"Baka lalo silang maniwala na may gap nga kami dahil realistic yung pag-aaway namin sa movie. Nagkasakitan talaga kami. Alam mo yun, yung mga boobs na lang namin ang kinakapitan namin dahil wala talaga kaming makapitang iba," ani Rica na nag-iisa na naman sa presscon ng Hibla.

"Hindi ko alam kung bakit wala siya. Ang alam ko darating siya," aniya pa. Ang hindi niya alam ay talagang hindi pinarating si Maui dahil baka kapag nagkita sila ay magyakapan, magbatian at magtsika-tsika sila. "Eh ang gusto namin kung pwede lang ay mag-away sila para maging maganda ang promo ng movie," pabirong sabi ng kausap kong taga-Viva.

Ibang-iba si Rica sa Hibla. Dito lahat ng bakas ng isang city girl ay inaalis niya — fashion trinkets, accessories at mga high tech gadgets.

"Naka-tsinelas lang ako ng goma rito. Ang mga damit ko, hinding-hindi mo makikita sa kahit anong tindahan. Pinaitim pa ng make-up ang buo kong katawan," aniya pa.

In many ways, Hibla presents numerous challenges for Rica na nangangarap na matanggap bilang isang seryosong dramatic actress. Maswerte siya at ang paborito niyang si Yam Laranas ang humahawak na naman sa kanya rito.

"Kaya nga natutuwa ako. Napaka-systematic niya, alagang-alaga niya ang artista niya. He makes his stars look gorgeous onscreen, 10 times more beautiful pa nga! Ang maganda, I can make suggestions. At tinatanggap niya."

Show comments