Vilma nasa Dos na rin

Ngayong araw naka-schedule mag-sign ng contract sa ABS-CBN si Vilma Santos para sa isang tele-drama. Hindi pa definite kung sinu-sino ang makakasama ng Star for All Season sa nasabing teledrama.

Balik-ABS-CBN din sina Cesar Montano and Robin Padilla. Si Robin, makakasama niya sa isang show si Judy Ann Santos, samantalang iri-revive naman ang Cesar-Maricel Soriano tandem na nag-start sa Kaya ni Mister, Kaya ni Misis. "Lahat ng malalaking artista, nasa amin na ngayon," say ni Ms. Pat P. Daza. I agree. May Nora Aunor sila. May Lorna Tolentino, Edu Manzano among others.
*****
Starting this Monday, October 28, mapapanood na ang Book 2 ng Betty La Fea (Ana Maria Orozco) sa ABS-CBN, ang Eco Moda, na papalit sa Alicia - 11:30 am slot. Yes folks, sa ABS-CBN n’yo mapapanood ang continuation ng Betty La Fea. "Ibang story na ‘to. Maganda na si Betty dito," explains Ms. Daza over lunch sa executive lounge ng ABS-CBN.

Actually, hindi pa tapos sa GMA 7 ang story ni Betty, isang dating ugly duckling na si Betty Solano na inaapi-api ng mga kasamahan niya sa fashion firm na Eco Moda. Pero hindi nagtagal, naging presidente siya ng company. Hindi rin nagtagal, nagpakasal sila ni Armando Mendoza (Jorge Enrique Abello) at may baby na sila.

Maganda rito ang personal life niya, pero hindi magtatagal, magkakaroon siya ng sakit ng ulo sa trabaho - si Gabriela Garza (Lorena Meritano), isang stunning Mexican beauty na successful executive sa international textile industry. Elsewhere in the firm, nando’n pa rin ang old nemesis ni Betty na si Daniel Valencia (Luis Mesa).

Sinasabi ng mga kritiko na si Beatriz Penzon Solano ay ‘feminist icon’ dahil sa Betty La Fea - isang ugly but brilliant woman na na-reach ang pagiging president ng Eco Moda from being a lowly assistant to vice president of finance sa top fashion firm dahil sa kanyang hard work and brilliant thinking.

Kasama ni Betty sa Eco Moda ang buong cast ng Betty La Fea - Julia Penzon (Adriana Franco), Nicolas Mora (Mario Duarte), Mario Calderon (Ricardo Velez) and Hugo Lombardi (Julian Arango).

Si Julia spends all day at home - sa pag-aalaga ng kanyang apo. Si Nicolas naman ay gusto pa ring mawala sa control ng kanyang mother, si Mario ay nagbalik na sa Colombia after touring the world at si Hugo ay nagbalik na inspired more than ever after meeting an Arab sheik.

Ayon nga kay Ms. Pat P., mas exciting and interesting ang story ng Eco Moda kesa sa Betty La Fea dahil hanggang ngayon ay break pa rin sila ni Armando sa story.

Sabay na ipalalabas sa 11:30 slot ang Betty La Fea (GMA) at Eco Moda sa ABS-CBN.

Ang disadvantage lang talaga ng GMA sa mga ganitong teleserye na dina-dub, mas magaling mag-dub ang ABS-CBN. Parang natural na boses ng mga actor ang ginagamit. Sa GMA kasi, hindi masyadong sabay ang dialogue sa movement ng lips ng character.
*****
Starting Monday, sisimulan na rin ng ABS-CBN ang Emmy-nominated drama series na Alias. Very Filipino rin daw ang story nito according to Ms. Pat P. kaya nag-decide silang i-run ito. Actually, hindi ko natapos ang preview kahapon - one hour and half na ipi-premiere this coming Saturday. Interesting sa simula ang Alias. Kunsabagay, writer ng Armageddon na si J.J. Abrams ang nagsulat nito kaya siguradong okey ‘to. Fast-paced-action-packed drama ang Alias starring Jennifer Garner (from Pearl Harbor and Dude, Where’s My Car?), Victor Garner (stage actor na mas kilala sa kanyang role bilang architect Thomas Andrews sa Titanic) and Michael Vartan (Drew Barrymore’s love interest in Never Been Kissed).

Naka-sentro ang story ng Alias kay Sydney Bristow (Jennifer Garner), isang 26 year old graduate student na may perfect life - loving fiance, a beautiful apartment and a stable job sa international bank. Pero double pala ang ginagalawan niyang mundo na hindi alam ng mga kaibigan niya - spy for SD-6, isang covert branch na CIA.

Na-nominate sa Emmy for Outstanding Lead Actress - Drama category si Jennifer sa hit action series na ‘to sa US. Nominated naman for Outstanding Supporting Actor - Drama category si Victor. All in all, 11 nominations ang nakuha nila.

Isa lang ang Alias sa marami pang bagong show na ilo-launch ng ABS-CBN before the year ends.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - salveasis@yahoo.com/psnbabytalk@hotmail.com

Show comments