Tinawag na Performer Extraordinaire, hindi niya itinatanggi na madali siyang nakilala dahil sa kanyang nakakatandang kapatid na myembro ng Backstreet Boys, si Nick Carter.
Nung 1997, nakasama siya sa isang show ng Backstreet Boys. He stole the show. Nakita siya rito ng Edel Records. Bago natapos ang taon, lumabas na ang kanyang first single, "Crush On You". Sinundan ito ng marami pang singles. Nung 1998, lumabas ang una niyang album, ang "Aaron Carter".
Ang mga sumunod na album ay ang "Aarons Party", "Oh Aaron" at ang "Another Earthquake" na siya sanang magdadala sa kanya rito sa Pilipinas. Dito galing ang hit song na "Summertime". May video ito na kasama niya ang The Baja Men.
Ang "Another Earthquake" ay nagtatampok ng mga awiting "To All The Girls", "In My Ride", "2 Good 2 Be True", "America AO". "Keep Believing" at marami pa.
Sa konsyerto na pinamagatang Rock, Rap & Retro Tour, makakasama niya ang Tribe of Levi at si Kyla. Isa itong produksyon ng Viva Concerts.