^

PSN Showbiz

Concert ni Aaron Carter sa 'Pinas di tuloy dahil sa bombahan

-
Hindi na matutuloy ang pagdating sa bansa ng 14 year old singing sensation na si Aaron Carter. Nakatakda sanang magkaroon ng concert ang nakakabatang kapatid ni Nick Carter ng Backstreet Boys sa Nobyembre 9 sa Araneta Coliseum kasama ang The Tribe of Levi at si Kyla. Bahagi ito ng promo tour ng kanyang latest album na ipinamamahagi ng Universal Records, ang "Another Earthquake". Balitang ang ina ni Aaron ang hindi pumayag na papuntahin siya ng bansa dahil sa mga kasalukuyang kaguluhan dito tulad ng kidnapping at bombings.

Tinawag na Performer Extraordinaire, hindi niya itinatanggi na madali siyang nakilala dahil sa kanyang nakakatandang kapatid na myembro ng Backstreet Boys, si Nick Carter.

Nung 1997, nakasama siya sa isang show ng Backstreet Boys. He stole the show. Nakita siya rito ng Edel Records. Bago natapos ang taon, lumabas na ang kanyang first single, "Crush On You". Sinundan ito ng marami pang singles. Nung 1998, lumabas ang una niyang album, ang "Aaron Carter".

Ang mga sumunod na album ay ang "Aaron’s Party", "Oh Aaron" at ang "Another Earthquake" na siya sanang magdadala sa kanya rito sa Pilipinas. Dito galing ang hit song na "Summertime". May video ito na kasama niya ang The Baja Men.

Ang "Another Earthquake" ay nagtatampok ng mga awiting "To All The Girls", "In My Ride", "2 Good 2 Be True", "America AO". "Keep Believing" at marami pa.

Sa konsyerto na pinamagatang Rock, Rap & Retro Tour, makakasama niya ang Tribe of Levi at si Kyla. Isa itong produksyon ng Viva Concerts.

vuukle comment

AARON CARTER

ANOTHER EARTHQUAKE

ARANETA COLISEUM

BACKSTREET BOYS

BAJA MEN

BE TRUE

CRUSH ON YOU

NICK CARTER

TRIBE OF LEVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with