Sila ang pinakabagong dagdag sa listahan ng mga talented artist ng Alpha Records. Tinatampukan ng magkapatid na sina Joel Lamberte (aka Joz-Anito) at Abel Lamberte (aka Bladpac), ang grupong ito ay naglabas kamakailan lamang ng kanilang self-titled debut album mula sa Harmony Music.
Ang naturang album ay isang extensive masterpiece na naglalaman ng 13 tracks na patungkol sa buhay, pag-ibig at sa iba pang mga youthful concerns. Ang tugtugan ng Pariente ay kumbinasyon ng R&B, rap, hiphop at pop nuances na mapapakinggan sa album. Ang kanilang mga awitin ay simple, familiar sounding at sincere. "Ang music namin ay down-to-earth. Ang mga rap songs namin ay madaling sakyan at intindihin." Maipagmamalaki rin ng Pariente ang nasabing album dahil karamihan sa kanilang mga kanta ay sila mismo ang lumikha. Ang carrier single ng kanilang album ay "Crazzzy", isang cute rap song na nagpapatungkol sa isang unrequited love. Dahil sa taglay nitong sentimental lyrics at unparalleled tempo at beat, ang "Crazzzy" ay siguradong magiging hit.
Ang Pariente ay ipinanganak at lumaki sa Pasay. Sila ay naging interesado sa rap noong 1991 noong kasikatan nila Francis M, Michael V and Andrew E. According to Bladpac, mahilig sila talagang mag-rap at mag-eksperimento. Dahil nga rito, nagkaroon sila ng kumpiyansa at unyielding dedication na nag-inspired sa kanila para mag-perform sa isang rap contest sa Channel 13 noong 1997 na kung saan sila ay nagwagi ng major prize. Matapos noon, sila ay naging parte ng several compilation albums hanggang sa ma-release ang kanilang self-titled debut album.