Maricar, nag-sugal

Palabas na bukas ang tinatayang pinaka-bold na pelikula ni Maricar de Mesa, ang Bedtime Stories ng World Arts Cinema.

Sa kabila ng pagaatubili ng kanyang pamilya na payagan siya sa kanyang kagustuhan, wala silang nagawa kundi suportahan ito at samahan ng dasal ang kanilang takot at pag-aalinlangan sa naging desisyon ni Maricar na gumawa ng malaking pangalan sa larangan ng pelikula. Matagal na ring artista si Maricar pero ngayon pa lamang siya nagkaroon ng break na katulad ng ipinagkaloob sa kanya ng World Arts Cinema.

Kung baga sa sugal, itinodo na ni Maricar sa Bedtime Stories ang lahat niyang baraha. Umaasam siya na hindi siya nagkamali ng desisyon.

"Maganda ang pelikula at magaling ang aking direktor (Maryo J. delos Reyes). Magagaling din ang mga kapareha ko rito (Wendell, Yraz, Anton). Saan ako pwedeng magkamali?" tanong ng sexy star.

Show comments