Bongga ang solo major concert ni Yam!

Sa kabila ng marami siyang naging guests (Eraserheads, True Faith, Gladys & the Boxers, Mystica, Joy Viado, Lloyd Umali, Hammilan) sa kanyang first solo major concert, hindi pa rin nila nagawang sapawan ang star of the show na si Yam Ledesma na bukod sa talagang tumataginting ang boses ay nagpapayat ng husto para sa kanyang several costume changes.

Ang Jam with Yam na ginanap sa AFP Theater ay simula lamang ng series of concert na prodyus ng Sunstar Prods para sa kanilang recording artist at artista ng MMG na si Yam Ledesma.

Sinuportahan si Yam ng buo niyang pamilya direk Roland, bro Ronald, mom Stella, sis JR at iba pang ka-pamilya) at maging ng ilan niyang kasamahan sa showbiz (Codie Moreno, Marc Solis, Lara Morena, Dax Martin, Shyr Valdez at marami pang iba.

Show comments