One night stand ok kay Wendell!
October 21, 2002 | 12:00am
Sa presscon ng Two Timer ay tinitingnan ng mga press people ang larawang magkasama sina Ara Mina at Wendell Ramos na halos magkamukha.
Nagkakaisa ng pagsasabi ang lahat na kapag magkamukha ang dalawang tao ay posibleng magkatuluyan sila sa tunay na buhay. Anong masasabi rito ni Wendell? "Magkaibigan lang kami ni Ara at naging close kami dahil sa Bubble Gang. Siguro kaya kami nali-link sa isat isa ay dahil may nakakakitang lumalabas kami pero purely friendship lang ito."
Maraming nagsasabi na siya ang susunod sa yapak ni Jay Manalo at flattered naman ang aktor.
Payag siyang makipag-one night stand kung type niya ang babae. Madali siyang ma-turn on kapag ang isang dilag ay may makinis na kutis.
Inamin din ni Wendell na hindi siya two-timer at kapag mahal niya ang babae ay loyal siya rito. "Kapag nagmahal kasi ako ay seryoso ako sa kanya. Mahirap nang maging two-timer dahil ayaw ko ng gulo," anang aktor.
Nang makakwentuhan namin si Albert Martinez na bida ng Two Timer ay sinabi nito na kapag strong ang foundation ng mag-asawa pagdating sa pagmamahal nila sa isat isa ay malabong masira ang kanilang relasyon. "Religion should come first dahil kapag pinairal ang spiritual aspect ay magiging intact ang pagsasama dahil lahat ng takot ay mawawala. Kahit tumanda pa ang iyong asawa ay mamahalin mo pa rin," aniya.
Hindi naging madali para kay Alberto de Esteban na makamit ang tagumpay. Pero wala siyang regret dahil malaki ang naitulong nito para siya magsumikap.
"Ganon pala yon. Habang patagal nang patagal ay palaki naman nang palaki ang pangarap ng isang tao. Hindi ka nakukuntento. Ayaw ko namang maging suwapang at hilingin ko pa sa Itaas na dagdagan pa niya ang mga blessings na natatanggap ko ngayon. Bastat ang mahalaga ay wala akong natatapakang tao. Magsisikap ako para marating ang minimithi kong pangarap na maging matagumpay na artista balang araw. Hindi ko ikinahihiya ang aking nakaraan hanggang sa maging bold star," paliwanag ng aktor.
Inamin din ni Alberto na ginawa lang niyang stepping stone ang pagbu-bold at alam niyang makakawala rin siya rito balang araw.
Kasama siya sa Masarap na Pugad under Angora Films na tinatampukan ni Aleck Bovick sa direksyon ni Jun Posadas.
Pinayagan na ng Leo Films na pag-aari ni Sixto Dy si Halina Perez na gumawa ng pelikula sa Seiko Films. Pumirma na siya ng kontrata para sa dalawang pelikula. Natapos na niya ang isa titled Kasiping na tatampukan din ni Diana Zubiri.
Para kay Halina, ito ang kauna-unahang pelikula na gagawin niya sa isang major outfit (Seiko). "Happy ako ngayon dahil magkakaroon ako ng movie sa Seiko. Mararanasan ko ring makapagtrabaho sa kanila at ma-meet ang ibang artista nila," aniya.
Paano ba makatrabaho si Diana? Hindi ka ba nai-insecure sa kanya?
Ayon sa seksing aktres, mabait si Diana at wala silang naging problema kaya madaling natapos ang shooting. "Okey ang mga taga-Seiko dahil lahat sila ay propesyonal gayundin si Boss Robbie Tan. Masarap siyang kausap at magaling na prodyuser," paliwanag ng aktres.
Nagkakaisa ng pagsasabi ang lahat na kapag magkamukha ang dalawang tao ay posibleng magkatuluyan sila sa tunay na buhay. Anong masasabi rito ni Wendell? "Magkaibigan lang kami ni Ara at naging close kami dahil sa Bubble Gang. Siguro kaya kami nali-link sa isat isa ay dahil may nakakakitang lumalabas kami pero purely friendship lang ito."
Maraming nagsasabi na siya ang susunod sa yapak ni Jay Manalo at flattered naman ang aktor.
Payag siyang makipag-one night stand kung type niya ang babae. Madali siyang ma-turn on kapag ang isang dilag ay may makinis na kutis.
Inamin din ni Wendell na hindi siya two-timer at kapag mahal niya ang babae ay loyal siya rito. "Kapag nagmahal kasi ako ay seryoso ako sa kanya. Mahirap nang maging two-timer dahil ayaw ko ng gulo," anang aktor.
"Ganon pala yon. Habang patagal nang patagal ay palaki naman nang palaki ang pangarap ng isang tao. Hindi ka nakukuntento. Ayaw ko namang maging suwapang at hilingin ko pa sa Itaas na dagdagan pa niya ang mga blessings na natatanggap ko ngayon. Bastat ang mahalaga ay wala akong natatapakang tao. Magsisikap ako para marating ang minimithi kong pangarap na maging matagumpay na artista balang araw. Hindi ko ikinahihiya ang aking nakaraan hanggang sa maging bold star," paliwanag ng aktor.
Inamin din ni Alberto na ginawa lang niyang stepping stone ang pagbu-bold at alam niyang makakawala rin siya rito balang araw.
Kasama siya sa Masarap na Pugad under Angora Films na tinatampukan ni Aleck Bovick sa direksyon ni Jun Posadas.
Para kay Halina, ito ang kauna-unahang pelikula na gagawin niya sa isang major outfit (Seiko). "Happy ako ngayon dahil magkakaroon ako ng movie sa Seiko. Mararanasan ko ring makapagtrabaho sa kanila at ma-meet ang ibang artista nila," aniya.
Paano ba makatrabaho si Diana? Hindi ka ba nai-insecure sa kanya?
Ayon sa seksing aktres, mabait si Diana at wala silang naging problema kaya madaling natapos ang shooting. "Okey ang mga taga-Seiko dahil lahat sila ay propesyonal gayundin si Boss Robbie Tan. Masarap siyang kausap at magaling na prodyuser," paliwanag ng aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended