Maricar the next important bold star

Marami ang nagtataka kung bakit nagpasya pang mag-bold si Maricar de Mesa. Kumakanta naman siya at marunong umarte. Magaling siyang kontrabida sa popular na seryeng Sana ay Ikaw na Nga ng GMA.

"
Gusto ko. Kung ito ang paraan para matupad ko ang pangarap kong sumikat sa pelikula, gagawin ko. Naintindihan na ako ng mga magulang at kaibigan ko. Sana maintindihan din ako ng lahat," may pakiusap niyang sabi sa presscon ng Bedtime Stories ng World Arts Cinema na kung saan ay itinodo na niya ang pagbu-bold, sa tatlong istorya na nakapaloob sa pelikula na pawang si Maricar ang major characters.Kapareha niya sina Wendell Ramos, Anton Bernardo at Yraz Melchor sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Show comments