Chikiting Patrol nasa ABC-5 na!

Mapapanood na sa kid-friendly network ABC-5 tuwing Sabado, 6:30 ng gabi, ang multi-awarded na tinaguriang "kids" show for all ages," ang Chikiting Patrol. Ngayong Oktubre 19, uumpisahan na ng ating mga cute na kiddie reporters ang kanilang trabaho upang ihatid sa inyo ang bagong serye ng mga refreshing pro educational, cultural and socio-civic topics found under the sun. Name it, they have it!

Ang programa, na ngayo’y nasa bago nitong tahanan, ay may malawak na variety ng cool segments na tiyak magpapagana sa inyong mga brain cells. Nariyan ang "Check This Out" na nagpi-feature ng mga makabagong gimik, "Teen Talk" na tungkol naman sa mga usaping pang kabataan: "Quick Look", isang paglalakbay sa kasaysayan; "Nature Trip", all about Mother Earth "Show Me! Show Me!", isang segment na nagbibigay ng confidence dahil ipinapakita rito ang mga talents at pambihirang kakayahan ng tao; "Idol", kung saan bida ang mga personalidad na naging mabuting halimbawa sa mga kabataan, at "Atin ‘To!" na nagpapaangat sa ating nasyonalismo dahil mga uniquely Pinoy stuff ang feature rito. Iba pang mga nakakaenganyong Chikiting portions ang "I Just Can’t Get Enough" (mga bagong hilig ng kabataan), "Campus Beat" (school events), "Kaya Mo, Kid!" (a do-it-yourself segment "Ole! Ole! (travelling and national festivals), "Cyber Patrol" (updates on computers and hi-tech stuff at "Getz’ Mo? (a trivia and treat section).

Maraming awards at parangal ang natanggap ng programa mula sa KBP, UNICEF, PMPC at CMMA, gayon din ang international recognition bilang children’s program sa Children’s Day Celebration sa Beijing, China noong year 2000.

Show comments