Si Cong. Mathay ang nagdadala ng customer sa resto ni Ara!
October 18, 2002 | 12:00am
It took them only one hit, sa pamamagitan ng awiting "Stupid Love" at naging mabilis ang pagsikat ng Salbakuta, ang grupong nabuo sa tulong ng rap master na si Andrew E. na nag-produce ng kanilang quadruple platinum album na "Ayoko ng Ganitong Life".
Liban kina Edwin Encarnacion at Charlito Dellosa, hindi nila kakilala ang kanilang ikatlong miyembro na si Rommel Tejada. Nakilala lamang nila ito sa dating program ni Andrew E. sa IBC-13, ang Rap 13 at sa programa ring yon nabuo ang Salbakuta.
Nag-submit ng demo tape nina Edwin at Charlito kay Andrew E. na nagustuhan naman ng huli. July 2002, si Andrew E. mismo ang nag-produce ng album bago ito dinala sa Viva Records.
Nang makilala nang husto ang awiting "Stupid Love", nakilala sila nang husto maging sa pelikula dahil sa Stupid Love na tinampukan nina Andrew E.
Ang Salbakuta ay muling nagbabalik-pelikula sa pamamagitan ng Jumbo Day, another song na kanilang pinasikat at itoy tinatampukan nina Andrew E., Mikey Arroyo, Rufa Mae Quinto, Ogie Alcasid, Patricia Javier at Jen Rosendahl mula sa direksyon ni Al Tantay for Viva Films.
And speaking of Salbakuta, ang sikat na rap group ay nakatakdang mag-perform sa 1st anniversary celebration ng S Magazine na gaganapin sa Virgin Café Tomas Morato sa darating na Oktubre 28 sa ganap na ika-6 ng gabi kasama sina Jamie Rivera, Kyla, The Real Groove at iba pang surprise guest performers.
Tila nabaliktad ang sitwasyon ngayon sa pagitan ng magkaibigang Jomari Yllana at Wendell Ramos. Kung dati-ratiy si Jomari ang pinaka-in demand among the young sexy actors, ngayon naman ay si Wendell ang namamayagpag sa rami ng projects na ginagawa.
Hindi pa man naipapalabas ang Bedtime Stories na siyang launching pic ni Maricar de Mesa, hetot ipapalabas na rin ng Regal Films ang Two Timer na siyang comeback movie ni Ara Mina, bilang sexy star.
Speaking of Wendell Ramos, nati-tsismis ito ngayon sa sexy star na si Ara Mina na kabituin niya sa Two Timer.
Last Sunday, matagal naming nakakuwentuhan si Ara at tinanong namin siya tungkol sa real score sa kanila ni Wendell.
"Wala kaming relasyon ni Wendell liban sa pagiging magkaibigan lang," deklara niya. "Pero tulad noon sa isyu sa amin ni Jomari (Yllana) na sinabi kong wala rin kaming relasyon, iba pa rin ang lumabas at pinaniwalaan ng tao kahit sabihin ko ang totoo na wala kaming relasyon," susog niya.
"Matagal na kaming magkaibigan ni Wendell dahil magkasama kami sa Bubble Gang in the same manner na kaibigan kong lahat ang mga kasamahan ko sa programa. Di ba there was also a time na na-link din kami ni Ogie (Alcasid)?" natatawa niyang pahayag.
Hindi ikinakaila ni Ara na nung kainitan pa ng isyu tungkol sa kanila ni Jomari, naapektuhan umano ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Nagkailagan at nag-iwasan umano sila. And there were times na iniyakan niya ito dahil ang nasa isip ng tao ay mang-aagaw siya ng asawa ng may asawa."Bakit ko naman gugustuhin yon kung puwede naman akong magka-boyfriend ng walang asawa? Alam kong hindi lang kami ni Jomari ang naapektuhan kundi pati mga pamilya namin ay nadamay din," aniya.
Ang maganda pa kay Ara, marunong siyang mag-invest ng perang kanyang kinikita. Bukod sa naipagawa na niya ang kanilang bahay sa Marikina, nakabili na rin siya ng sarili niyang bahay sa may Ferndale Village in Quezon City at may dalawa na rin siyang magkaibigang business, ang Osteria, isang Italian restaurant na matatagpuan sa may Tomas Morato in Quezon City at isang video house sa may Santolan, Pasig kung saan ang sister niyang si Heidi ang kanyang kasosyo habang iba naman ang kanyang kasosyo sa kanyang restaurant business.
Ang number one customer ni Ara sa Osteria ay ang kanyang father na si Cong. Chuck Mathay. Halos lahat ng meetings nito ay sa Osteria niya ginaganap para matulungan ang kanyang anak.
"Siguro dahil na rin sa dad ko, maraming congressmen ang kumakain sa aming restoran," kuwento pa ni Ara.
Email: [email protected]
Liban kina Edwin Encarnacion at Charlito Dellosa, hindi nila kakilala ang kanilang ikatlong miyembro na si Rommel Tejada. Nakilala lamang nila ito sa dating program ni Andrew E. sa IBC-13, ang Rap 13 at sa programa ring yon nabuo ang Salbakuta.
Nag-submit ng demo tape nina Edwin at Charlito kay Andrew E. na nagustuhan naman ng huli. July 2002, si Andrew E. mismo ang nag-produce ng album bago ito dinala sa Viva Records.
Nang makilala nang husto ang awiting "Stupid Love", nakilala sila nang husto maging sa pelikula dahil sa Stupid Love na tinampukan nina Andrew E.
Ang Salbakuta ay muling nagbabalik-pelikula sa pamamagitan ng Jumbo Day, another song na kanilang pinasikat at itoy tinatampukan nina Andrew E., Mikey Arroyo, Rufa Mae Quinto, Ogie Alcasid, Patricia Javier at Jen Rosendahl mula sa direksyon ni Al Tantay for Viva Films.
And speaking of Salbakuta, ang sikat na rap group ay nakatakdang mag-perform sa 1st anniversary celebration ng S Magazine na gaganapin sa Virgin Café Tomas Morato sa darating na Oktubre 28 sa ganap na ika-6 ng gabi kasama sina Jamie Rivera, Kyla, The Real Groove at iba pang surprise guest performers.
Hindi pa man naipapalabas ang Bedtime Stories na siyang launching pic ni Maricar de Mesa, hetot ipapalabas na rin ng Regal Films ang Two Timer na siyang comeback movie ni Ara Mina, bilang sexy star.
Last Sunday, matagal naming nakakuwentuhan si Ara at tinanong namin siya tungkol sa real score sa kanila ni Wendell.
"Wala kaming relasyon ni Wendell liban sa pagiging magkaibigan lang," deklara niya. "Pero tulad noon sa isyu sa amin ni Jomari (Yllana) na sinabi kong wala rin kaming relasyon, iba pa rin ang lumabas at pinaniwalaan ng tao kahit sabihin ko ang totoo na wala kaming relasyon," susog niya.
"Matagal na kaming magkaibigan ni Wendell dahil magkasama kami sa Bubble Gang in the same manner na kaibigan kong lahat ang mga kasamahan ko sa programa. Di ba there was also a time na na-link din kami ni Ogie (Alcasid)?" natatawa niyang pahayag.
Hindi ikinakaila ni Ara na nung kainitan pa ng isyu tungkol sa kanila ni Jomari, naapektuhan umano ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Nagkailagan at nag-iwasan umano sila. And there were times na iniyakan niya ito dahil ang nasa isip ng tao ay mang-aagaw siya ng asawa ng may asawa."Bakit ko naman gugustuhin yon kung puwede naman akong magka-boyfriend ng walang asawa? Alam kong hindi lang kami ni Jomari ang naapektuhan kundi pati mga pamilya namin ay nadamay din," aniya.
Ang maganda pa kay Ara, marunong siyang mag-invest ng perang kanyang kinikita. Bukod sa naipagawa na niya ang kanilang bahay sa Marikina, nakabili na rin siya ng sarili niyang bahay sa may Ferndale Village in Quezon City at may dalawa na rin siyang magkaibigang business, ang Osteria, isang Italian restaurant na matatagpuan sa may Tomas Morato in Quezon City at isang video house sa may Santolan, Pasig kung saan ang sister niyang si Heidi ang kanyang kasosyo habang iba naman ang kanyang kasosyo sa kanyang restaurant business.
Ang number one customer ni Ara sa Osteria ay ang kanyang father na si Cong. Chuck Mathay. Halos lahat ng meetings nito ay sa Osteria niya ginaganap para matulungan ang kanyang anak.
"Siguro dahil na rin sa dad ko, maraming congressmen ang kumakain sa aming restoran," kuwento pa ni Ara.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am