Robin, Juday bakit ngayon lang?

Nagkatambal din sa wakas ang dalawa sa pinakamalalaking artista ngayon sa Philippine Cinema. Ang Hari ng mga Puso na si Robin Padilla at ang Prinsesa ng Drama na si Judy Ann Santos sa Viva Films, ang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang?.

Unang nagsama ang dalawa sa pelikulang Manila Boy kung saan si Binoe ay gumanap na Tatay-tatayan ni Juday.

Ngayon, isang OFW si Robin bilang Badong sa pelikulang ito na inabot ng sobra-sobrang kamalasan. Umuwi siya sa Pilipinas para salubungin ng balitang ang pinakamamahal niyang si Emma na ginagampanan ni Tanya Garcia ay may boyfriend nang isang basketbolista, si Asi Taulava. Sa kanyang kalungkutan, naumpog pa ang ulo ni Badong sa isang lumang bote na naglalaman pala ng isang genie — si Jeannie — Judy Ann! Siya na nga ba ang kasagutan sa kanyang mga problema?

Bakit ngayon ka lang, Juday? Pagkatapos ng "pang-award" na problema, hahamunin pa ni Binoe pati ang Master sa Bilyaran na si Django Bustamante! Ano bang magic meron ang halik ng isang genie kung kaya’t ang pinag-uusapang "kissing scene" sa pelikula ay di malimot-limutan ni Robin… "Kinikilig pa ko sa kissing namin… nasa kotse na ako, naiisip ko pa rin," ani Binoe. Sa Okt. 23 ang lahat ng kasagutan.

Show comments