^

PSN Showbiz

Aleck Bovick, gumagamit ng vibrator!

- Veronica R. Samio -
Marami ang humanga sa baguhang sexy star na si Aleck Bovick nang aminin niya sa presscon ng kanyang third movie, ang Masarap na Pugad ng Angora Films, na hindi na siya isang birhen. Isang boyfriend ang naka-devirginized sa kanya nung siya ay 16 years old pa lamang.

"Di plano. Nagyaya ang boyfriend ko. Una nga ay ayaw ko, takot ako, tumayo nga ang balahibo ko pero, pumayag din ako. Pumunta kami sa isa sa mga motel dun sa may Sta. Mesa.

"Sayang at hindi naman kami nagtagal ng boyfriend ko. Mga three months lang pero, sa loob ng panahong yun ay naging maligaya siya sa akin. Ako ang nakipag-break sa kanya dahil sa selos," dagdag pa niya.

Sa ngayon, ayaw muna niyang makipag-relasyon. "Huwag muna, sayang ang pera. Mahirap makapag-concentrate sa trabaho kung may boyfriend at baka hindi niya maintindihan ang trabaho ko."

Buong tapang niyang sinabi na gumagamit siya ng vibrator. "Nabili ko lang ito sa tindahan ni Gary Lising, sa Robinson’s.

Hindi ko naman ito ginagamit internally. Takot ko lang baka, magka-cancer ako, pampa-kiliti lang. At kapag ginagamit ko ito, ini-imagine ko na nagmi-make love ako."

Sinabi niya na minsan ay niregaluhan niya nito ang isang kaibigan. "Pero, nagsisi ako dahil na-addict siya sa sex. Ngayon kapag may kakilala ako na nababalitaan kong gumagamit nito, pinapayuhan ko siya na hinay hinay lang, hanggang dalawang beses lamang sa isang araw," walang kagatul-gatol niyang sabi.

Maraming lovescene si Aleck sa Masarap na Pugad, kay Gary Estrada at kay Elizabeth Oropesa. Bukod dito ay may frontal nudity siya sa isang mahabang eksena na lumalangoy ng hubo’t hubad. Di naman daw worried ang direktor ng movie na si Francis "Jun" Posadas dahil nag-iisa lang si Aleck sa eksena at normal lang itong gawain ng isang katutubo na siyang role niya sa pelikula.
*****
Wala talagang kupas si Martin Nievera bilang isang singer. Habang lumilipas ang panahon ay lalo siyang gumagaling. Konsensus ito ng lahat ng dumalo sa album launch ng "Chasing Time", na sumabay sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-20 taon bilang OPM hitmaker.

Katulad ng mga nakaraan niyang album, personal na pinangasiwaan ni Martin, syempre sa pamamatnugot ng MCA Universal/PolyEast Records ang paghahanda ng album. Sa rami ng kanyang hits, alam na niya kung anong klase ng mga awitin ang gusto ng tao.

Dahil nga commemorative album, mahuhusay na songwriters ang gumawa ng kanta para kay Martin –Ben Escasa, Moy Ortiz, Edith Gallardo, Louie Ocampo, George Canseco at ang mga imported na sina Ricky Sanchez at Andrei Estrada.

May apat na kontribusyon si Brian McKnight – "Never Say Goodbye", "Over", "All The Way" at "Thank You For Saving My Life". Ni-revive ni Martin ang "Love Is Stronger Far Than We" at ginawan naman ng video ang "Never Say Goodbye" at "Can’t Stop This Christmas".

Ang iba pang awitin sa album ay ang "Isang Saglit, Isang Sandali" (Ortiz/Gallardo), "True Love" (Escasa), "Sana" (Estrada), "Chasing Time" (Nievera/Ocampo), "Nasaan Ka Man" (Ocampo/Canseco) at "Habang Ikaw Ay Narito" (Sanchez).

Gold na agad ang CD album.

AKO

ALECK

ALECK BOVICK

ALL THE WAY

ANDREI ESTRADA

CHASING TIME

ISANG

NEVER SAY GOODBYE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with