Sa kabilang banda ay gustong i-revive ni Mayor Rey ang kanyang produksyon na Twin Dragon Films International at isa sa pangarap na maging leading lady ay si Ara Mina.
Una, gusto kong magkaroon ng maraming pera para mabayaran ko ang utang ng Pilipinas. Ikalawa, sana wala nang kaguluhang nangyayari sa ating bansa at ikatlo, sanay wala nang magutom at magkaroon tayo ng maraming pagkain, aniya.
Naikuwento rin nito na hindi nagseselos ang kanyang asawa kapag may kaeksena at karomansa siyang leading lady sa pelikula. Sinabi ni Binoe na alam naman ng kanyang asawa kung may malisya ang kissing scene nila. Nauunawaan na nito na ang romansa sa pelikula ay bahagi ng kanyang trabaho bilang artista.
Sa telebisyon naman ay pangarap nito na magkaroon ng isang talk show gaya ng kay Martin Nievera.
Pero higit sa lahat, type niya ang lumabas sa entablado dahil fulfilling ito. Kahit maliit lang ang kita ay iba ang nararamdamang kaligayahan ayon pa sa singer-actress.
Tuwang-tuwa nga si Carol dahil kahit si Guy ay binabati siya sa kanyang pagganap sa teleserye at umaasa ito na sanay gumanda pang lalo ang kanyang career.
Kahit sa telebisyon lang muna ang beauty ng actress ay kuntento na ito dahil kumikita pa rin ito sa mga out-of-town shows. Na-maintain nito ang wholesome image at kahit may malaking offer o mataas na TF para lumabas sa sexy movie ay hindi pa rin ito matatanggap ng magandang aktres.
Ano ang wish niya sa nalalapit na kaarawan? Mabait si Lord dahil halos lahat ay naipagkaloob na Niya sa akin. Tapos na ang bahay namin at siguro ay lagi akong magi-stay dito dahil may sarili na akong music room. Natupad na rin sa wakas ang dream house ko. Sana magtuloy-tuloy pa ang aking career. Of course good health para sa aming lahat," aniya.