Pa-raffle ng FWM

Ngayong Oktubre, may offer ang Fiesta World Mall (FWM) sa Lipa, Batangas ng isang line-up ng mga ispesyal na mga events bilang pasasalamat sa di mabilang na mga patrons nito para sa kanilang walang sawang suporta at pagtangkilik. Noong Oktubre 6, ang opisyal album launching ng all-boy group na Eight of March (8OM). Okt 12, may back-to-back sina John Lloyd Cruz at Aiza Marquez.

Ang highlight ng events ay ang FWM 5th Anniversary Grand Raffle. Isang minimum purchase na nagkakahalaga ng 250.00 mula sa mga participating tenants ng FWM ay katumbas ng isang raffle ticket. Ang mga major raffle draws ay idaraos once every four months matapos mag-culminate ang preliminary period ng promo.

Ang una at ikalawang mga draws ay magaganap sa Pebrero 16, 2003 at Hunyo 15, 2003 respectively. Ang grand prize sa una at ikalawang mga draws ay Daye DY50 Scooter (50cc). Ang grand draw ay magaganap sa Nobyembre 2, 2003 at ang grand prize ay isang 10-seater passenger jeepney.

Show comments