Tila wala nang medium na hindi nako-conquer si Ogie. Concert, pelikula, recording, songwriting at TV.
Pambihira lamang siyang gumawa ng pelikula, pero pinanonood ang Bestman 4 Better Not 4 Worse na nagbukas sa mga sinehan nung Miyerkules. Magkasama na naman sila rito ni Michael V.
Nung nakaraang linggo ay ipinag-blow out siya ng Viva dahilan sa matagumpay niyang konsyerto at album. Ang "A Better Man", na kung saan nagmumula ang mga hits na "Hanggang Ngayon", isang duet nila ni Regine Velasquez, "Ikaw Sana" at "Sana" na nanalo rin ng Album of the Year. Last year, nanalo rin siya para sa awiting "Kailangan Koy Ikaw" na inawit ni Regine sa isang pelikula na may kaparehong titulo.
Hindi nga makahuma ang Viva sa pagkakaroon ng isang "Star" sa katauhan ni Ogie. Ayon sa marami ay pwede nang maging pulitiko si Ogie dahil sinusuportahan siya ng masa. Pero, innate kay Ogie ang kabaitan at kababaang loob. Katunayan, mas excited siya sa mga ipinasalubong niyang native na tsokolate sa mga press na dumalo sa blowout sa kanya ng Viva.Nagbigay pa siya ng ilang tips kung paano ito iniluluto na aniya ay popular sa kanilang probinsya sa Batangas.
Regular siyang napapanood sa SOP bilang host/performer. Komedyante naman siya sa Bubble Gang. Both shows are seen on GMA. Kasalukuyan niyang ginagawa ang Jumbo Day kasama sina Andrew E., Rufa Mae Quinto, Mikey Arroyo, Patricia Javier at Salbakuta.