John, Heart, ginawan ng sariling TV show

Naiintindihan namin ‘yung sinasabi ni Claudine Barretto na malaking tulong sa healing niya ang pagsasama nila ni Aga Muhlach sa pelikulang Kailangan Kita ng Star Cinema. Tanong nga ni Claudine, "Nasaan na kaya ako kung hindi dumating itong project na ito?" Kasi nga, weeks pa lang ang nangyaring trahedya sa buhay ni Claudine (‘yung pagkamatay ni Rico Yan) ay kailangan na niyang simulan ang project with Aga.

"At that time, kailangan ko pang mag-workshop, kakalibing lang no’n ni Rico. Ang hirap ng pinagdaanan ko at that time. ‘Buti na lang, andiyan talaga si Aga na aaminin ko, malaki ang nai-contribute sa healing ko. Kaya malapit sa puso ko ang project na ito at ang mga taong nakatrabaho ko dito like Direk Rory Quintos and the province of Bicol, of course," sabi ng aktres na pinakamalapit sa puso ko.

Kailangan Kita
is Claudine’s most daring project. Marami siyang first na ginawa sa pelikulang ito and very proud sa naging outcome nito. Sa said movie, nangyari ang most daring love scene ni Claudine sa kanyang career. May love scene sila ni Aga na nangyari sa palayan. May matindi rin silang kissing scene ni Aga sa movie. Ang kayanin n’yo to, sa kabuuan ng pelikula ay wala siyang suot na bra.

Ipapalabas ang movie sa November 6. So expected na maging visible na naman sa boob tube ang soap opera princess para sa promotion ng movie. Kasama rin dito sina Johnny Delgado, Liza Lorena, Cris Villanueva, Gerald Madrid, Rissa Samson, Cholo Escaño at iba pa.

The movie’s theme song is composed by Ogie Alcasid at kinanta naman ni Gary Valenciano.
* * *
Iba talaga ang appeal ng tambalang John Prats at Heart Evangelista. Sila ngayon ang sinasabing pinaka-exciting na tambalan sa bakuran ng ABS-CBN. At dahil nga sa lakas ng appeal ng kanilang team up, isang bagong show ang niluluto na magtatampok sa kanila. Sa November ay pagbibidahan nina John at Heart ang Berks, isang youth-oriented show na ididirek ni Gilbert Perez (the director of Trip and the recent Star Cinema hit Jologs). Ito na ‘yung pagbibigay-daan ng ABS-CBN management sa request ng fans ng dalawa na magsama sila sa isang show.

Bukod kina John at Heart, ipakikilala rin sa bagong show ang bagong tambalan ng ABS-CBN Talent Center. Kasama rin sina Sarah Christophers, Princess Schuck, Hazel Ann Mendoza, Khalil Kaimo, Marc Acueza at Allyson Lualhati. Kasama rin dito ang mga new faces na kasalukuyang naga-undergo ng acting workshop sa pamamahala ni Ms. Beverly Vergel.

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga nina John at Heart sa development na ito. Sa totoo lang talaga, kahit kami ay nami-miss naming makita sila together sa telebisyon, after ng highly-successful show na G-Mik. Although regular na silang napapanood ngayon sa ASAP tuwing Sunday.
* * *
Matagal na naming naririnig ang pangalang Rica Arambulo sa recording business. Kilala namin siya bilang musical director, composer at lyricist. Pero mas lalo namin siyang hinangaan nang finally ay marinig at makita namin siyang mag-perform. Hinangaan namin si Rica nang mapanood namin siya sa Cork Wine Cellar & Grill (The Loop, 9501) noong Sabado. Nalaman namin na regular pala siyang nagpi-perform sa said place tuwing Sabado. At tuwing Lunes naman sa Moomba Bar & Restaurant (along Roces Avenue).

Her music is the type na relaxing. Ang sarap niyang pakinggan. Kumbaga, kapag nasa emote mode ka, Rica is the singer to watch and her music to hear. Ang husay niyang kumanta ng mga love songs lalo na ‘yung mga classics na. Even ‘yung mga original composition niya ay panalo rin.

We learned na mayroon pala siyang album under Viva Records. It’s a self title album na lahat ng songs ay composition niya. Recently ay natapos na niyang i-shoot ang dalawang music videos sa kanyang album. ‘Yung isa ay dinirek ni Erick Salud at ‘yung isa naman ay si Jojo Saguin.

Show comments