Maging ang baguhan si Aubrey Miles ay sinasabing papalit sa trono ni Joyce. Pero ayaw na lang mag-react ni Joyce dahil kahit kailan, hindi naman daw pumasok sa isip niya na siya ang "Pantasya ng Bayan" at sikat siya.
"Never. Since mag-start ako sa showbiz, hindi ko inisip ang title, basta ako trabaho lang," katwiran niya sa isang previous interview.
Sa last movie niya, Ang Galing Galing Mo Babes, muli niyang pinatunayan na siya pa rin ang reyna ng hubaran. At ngayong may bago siyang movie, Mainit Masikip opposite Jay Manalo, mas grabe ang ginawa ng sexy actress na pansamantala rin niyang kinalimutan. Mas realistic ang lovescene nila rito dahil common knowledge naman na ilang taon din silang nag-live in.