Honeybee farming sa 'Beauty Plus'

Ngayong umaga, sa Beauty Plus, RPN9, 11:00 a.m. dadalhin kayo ng host na si Ricky Reyes Ilog Maria Honeybee Farm. Dito ay matutuklasan ninyong may pera sa pag-aalaga ng pulut-pukyutan.

Ipi-feature din si Ms. Tricia del Gallego ng Las Piñas Paellas Restaurant sa "Women at Work".

Sa "Straight from the Expert" ay tatalakayin kung paano ninyo mabibigyan ng bagong-bihis ang inyong kuwarto.

Si Ms. Arianne Ariente ng Parañaque city ang modelo ni Mother Ricky sa "Make Over". Ang segment na paborito ng mga career women at professionals na wala nang panahong magpunta sa mga parlor.

Ipapakilala rin ang mga nanalo sa regional competition for the 2002 Search for Kolours Masters co-sponsored by Splash Corp. and Scriptovision na ginanap sa Ever Gotesco-Cainta, Rizal last October 8. Ang mga ito’y sina Joanna Oliverio (champion) at Joey Drio (runnerup) sa Avant Garde division. Sa Commercial/Crative division nama’y sina Ric Montalva, Robert Eria at Janice de Guzman (first, second and third respectively). Umuwi sila with cash prizes, certificates, trophies and gift packs.

Show comments