Huwag akalaing hula ito ni Madam Auring, dahil wala akong believe sa self-proclaimed psychic na ito. Totoo ang balita sa matagal ng magkasintahan. Sa papasok na linggo ay lilipad na si Christopher.
Di biro ang sampung taon nilang relasyon. Ngayon ay hihiwalayan na lang siyang bigla ni Christopher.
"Papunta na kasing California si Christopher," teary eyed na pahayag ni Gladys. "Magtatrabaho siya ng ilang buwan doon."
Dagdag pa ng mahusay na aktres, French citizen ang kanyang nobyo kayat libre itong mamalagi sa Tate. At marahil kung magustuhan niya roon at mawili siya sa trabaho, maaaring maging US immigrant na rin siya.
Pansamantala lang naman mawawalay sa isat isa ang magkasintahan. Pangako ni Christopher, babalik siya ng Pilipinas. Kung hindi naman siguro, si Gladys ang susunod doon.
Siyempre tuloy pa rin ang trabaho ni Gladys sa teledramang Sa Dulo ng Walang Hanggan, kung saan ang role niya ay si Ruela. Dagdagan lang ng letter "C" magiging Cruela na talagang kontrabida ang dating, pangalan pa lang.
Naka-chikahan naman si Gladys noong 60th birthday celebration ng aming matalik na kaibigang si Hermie Francisco, sa bahay niya sa Frisco (hindi California, sa Del Monte barangay ng Paltok).
Marami pang mga bisitang dumating si Hermie tulad ng bold star na si Camille Roxas (di kamag-anak ni Christopher), na sarap na sarap sa paghalik sa kanya ni Brandon Legaspi. Magkatambal sila sa bagong pelikulang Boso.
Ano ba naman sila? Mabuti ngat may mga trabahong maganda at kumikita ng sapat ang Sex Bomb, gusto pa ng DSWD na madagdagan ang mga unemployed sa ating bansa.
Dapat ang pakialaman nila, ang trabaho nilang tumulong sa mga mahihirap o magbigay ng food assistance sa mga nagugutom. Wala yata sa linya ng trabaho ng DSWD ang entertainment business. Baka naman meron ng nagbigay sa kanila ng bagong power.
Buti na lamang at naging active siya sa Bethesda Healing Ministry. Almost six years na siyang musical director ng nasabing Catholic group at malaki ang naitulong ng pagiging malapit niya sa Diyos.
"Ang mahalaga sa akin ay mapalaki ko ang aking mga anak ayon sa kalooban ng Maykapal," sabi ni Danny na ngayon ay unti-unting bumabalik ang self confidence.
Isa si Danny Cruz sa mga tampok na artista sa "Presence" Music and Prayer album, na kasama sina Jose Mari Chan, Gino Padilla, Karylle, Lisa Chan-Parpan, Anna Tirols at Maribi Mapa Garcia mula sa Universal Records.