Bigyan daan si Ray Marcos Jr.

Bubuhaying muli ang pangalang Ray Marcos, ang sikat na character actor na naging kontrabida nina Fernando Poe, Jr. at Ramon Revilla, sa pamamagitan ng baguhang aktor na si Ray Marcos Jr., 20 years old at produkto ng Don Bosco School of Makati.

Tiyuhin ni Ray, Jr. ang yumaong character actor na asawa ng dating FAMAS President at MOD Magazine editor na si Ernie Evora Sioco. Anak naman siya ni Edgar Reyes na may-ari ng Star Vision Promotion kung saan galing ang mga bold stars na sina Barbara Milano at Lolita de Leon. – Dennis Adobas

Show comments