Memorable din sa dalaga ang nasabing pelikula dahil nasa grieving period pa siya sa pagkamatay ng kanyang kasintahang si Rico Yan nang simulan nila ang pelikula.
Ang working relationship nina Aga at Claudine dates back sa kanilang pagsasama sa sitcom na Oki Doki Doc kung saan ang love interest doon ni Aga ay ang singer-actress na si Agot Isidro at nakababata naman nitong kapatid si Claudine.
Kilalang-kilala din siyempre ni Claudine si Aga dahil naging kasintahan din ito ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto nung time na napakabata pa niya.
Palibhasay pareho na silang kumportable na magkatrabaho, hindi nahirapan si Direk Rory Quintos na kumbinsihin ang dalawa sa kanilang love scenes.
During the presscon, inamin ni Aga na naging mali rin ang kanyang naging impression kay Claudine tungkol sa mga kaganapan sa kanila ng kanyang yumaong boyfriend na si Rico Yan. Nagkaliwanagan lamang silang dalawa nang silay mag-usap nang masinsinan at doon lamang naunawaan ni Aga ang lahat.
"Misunderstood si Claudine," ani Aga. "But shes a strong person".
Bukod sa pelikula, pinagkakaabalahan din ni Daboy ang kanyang weekly sitcom sa GMA-7, ang Daboy en da Girl.
Ayon sa bida ng pelikulang Lastikman minsan ay sumasagi sa kanya ang pag-aasawa dahil madalas umanong umuwi siya sa bahay na malungkot dahil wala man lamang umanong asawa na sumasalubong sa kanya o nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Ayon sa TV host-comedian, hindi pa marahil niya natatagpuan ang babaeng balak niyang muling iharap sa dambana.
Marami-rami na ring babae ang nali-link sa komedyante pero hanggang link lamang daw at ang totoo nito ay wala raw siyang lovelife. Pero hindi naman siya nagku-complain dahil masaya naman daw siya kapag nariyan ang kanyang apat na anak (sa tatlong babae) na sina Danica, Oyo Boy, Vico at Paulina na pare-pareho umanong mababait.
Sina Danica at Oyo Boy ay anak ni Vic kay Dina, si Vico kay Coney Reyes at si Paulina naman kay Angela Luz.
Samantala, ang pelikulang Lastikman ay siyang magiging entry ng OctoArts Films/M-Zet sa darating na Metro Manila Film Festival. Tampok din sa nasabing pelikula sina Donita Rose, Michael V., Jeffrey Quizon, Anne Curtis, Oyo Boy, Goyong at Ms. Elizabeth Oropesa.