Actually, puwedeng-puwedeng idemanda ni Gina si Michael ng concubinage, pero wala sa hinagap niya na magdemanda. Very open kasi si Michael sa relationship niya sa girl kahit nong bago pa lang silang naghihiwalay na ground sa court para ma-convict or magbayad si Michael ng danyos perwisyo sa asawa. "Mahirap magdemanda. Kailangan mong i-recall lahat ng details. Imagine 23 years kaming nagsama tapos iri-recall ko lahat ng details. Parang ang hirap."
Actually, nag-try naman siyang i-recall yung ilang details, mga sleepless nights niya since the beginning of their marriage pero feeling niya walang mangyayari. "Andiyan yung sinusulat ko yung details sa first year ng marriage namin. Tapos ita-transfer ko na sa computer. And then maiisip ko, may kulang palang details so, kailangan ko na namang dagdagan. Ganoon kahirap, masyadong ma-trabaho. Saka pag nag-demanda pa, gagastos pa ako. So bakit kailangan ko pang mag-demanda," she said sa informal presscon ng Singsing Ni Lola starring Gloria Romero, Allan K and Aiza Sequerra.
Mahal pa naman niya si Michael, pero nasa ibang level na as in ayaw na niyang kasama sa isang bahay ang actor. "Alam mo yung ayaw mo na. Mahal ko siya dahil ama siya ng mga anak ko," she said.
Wala pang bagong inspiration si Gina kahit na nga very open na si Michael sa girlfriend niya na may anak din. "At least ngayon wala na akong asawang kailangang pagsilbihan. Hindi ko na kailangang gumising ng maaga para lang may kasama siya sa breakfast. Wala nang ganoon na ginagawa ko noon," she added.
Okey na rin sa mga anak nila na mag-boyfriend siya. Pero hindi pa niya alam kung kelan at saan niya makikita ang taong papalit kay Michael. "Ngayon lang yan sinasabi ng mga anak ko, pero pag meron na, Im sure mahihirapan din silang mag-adjust," she averred.
Ngayon, instead na isipin ang demanda o kung anu-anong bagay sa nangyaring separation nila ni Michael, nagko-concentrate na lang siya sa career niya na ang latest movie nga niya, Singsing Ni Lola na sequel ng Bahay Ni Lola. Ang nasabing pelikula ang signal nang pagsisimula ng 40th anniversary ng Regal Films.
Last year nang mag-hit ang Bahay Ni Lola na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival last December kung saan si Uro dela Cruz din ang director.
Yun naman pala eh. Walang problema si Assunta sa schedule niya. Contrary ang mga sinabi ni Gina sa mga naglalabasang issue ngayon kay Assunta and Congressman Jules Ledesma na umabot pa sa demanda.
Hindi napalabas ang pelikulang to dahil nang malapit nang matapos, nag-decide na lang si Sunshine na pakasal kay Cesar Montano.
Balita pa ngang binili ni Cesar ang original copy ng pelikula para nga hindi na mapalabas dahil sa sobrang bold ni Sunshine sa pelikula.
At ang lovescene nila ni Jay Manalo, sobra rin.
Ano kayang nangyari at biglang nagkaroon ng copy?
Launching movie sana ito non ni Sunshine after mag-decide siyang mag-join sa bold wagon.
Pero hindi pa man napapalabas ang Dukot, nag-decide na siyang mag-asawa.
Ganoon. Kaya pala lahat ng artista, sinasabi nilang may problema sa working visa para lang makita nila. Wala namang official list ang BID sa mga sinasabi nilang over staying sa bansa na mga Fil-Am actors.