Showgirls sa Casino Filipino

Sa unang pagkakataon, sampu sa pinakaseksing stars sa local showbiz ay magsasama sa pinaka-exciting, sizzling and electrifying dance concert ng taon, Showgirls: A Dance Concert ngayong darating na October 25, 9 p.m. sa Casino Filipino-Parañaque.

Ang mga sexy stars na sina Maui Taylor, Lana Asanin, Regine Tolentino, Lolita de Leon, Aleck Bovick, Michelle Bayle, Jenny Miller, Glydel Mercdo, Maureen Larrazabal at Diana Zubiri ay magpapakita ng kanilang talento sa pagsayaw sa mga production numbers. Guest artists din sina Marissa Sanchez, Alynna at Selina Sevilla at Whiplash at Groove Manila bilang mga back-up dancers.

Showgirls: A Dance Concert
is produced by Live Artist Production. Para sa ticket inquiries, tumawag sa Live Artists Production at 920-2643 or 0918-922-1542.

Show comments