Kamakailan, sa pagdiriwang ng 98th Year Anniversary ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), ay pinarangalan ng Young Entrepreneur Award si Jolina ng nasabing pamantasan. Itoy dahil sa tagumpay ng Jolinas Fashion Gallery na itinayo ng kabataang aktres four years ago.
Nagsimula sa isang maliit na boutique sa Q.C., ang Jolinas Fashion Gallery ngayon ay mayroon ng 11 branches sa buong bansa kabilang pa rito ang branch nito sa San Francisco, USA. Dahilan para maging unanimous choice siya bilang Outstanding Young Entrepreneur ng mga officials at staff members ng PUP. Dagdag pa rito, ang pagbubukas ni Jolina ng kanyang sariling food business na pinangalanan niyang Chuva Chicha.
Kasabay ng awarding ceremonies na ginanap sa PUP campus sa Sta. Mesa, naatasan din si Jolina kasama ng Bureau of Immigration chief na si Andrea Domingo na mag-cut ng ribbon ng anniversary exhibit ng nasabing paaralan.