Aga, first real and screen kiss ni Claudine
October 11, 2002 | 12:00am
Sinabi ni Claudine Barretto na nakatulong ng malaki ang pelikula nila ni Aga Muhlach na Kailangan Kita para maibsan ang malaking kalungkutan niya na dulot ng pagkamatay ni Rico Yan.
"Di pa ako totally healed pero dahilan sa agad akong nasabak sa trabaho, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para maisip ang aking kalungkutan at pangungulila. I had to make a choice, whether to grieve alone or work. I realized na kung yung una ang pipiliin ko, marami akong commitments na hindi matutuloy, at maraming mawawalan ng trabaho. Inisip ko rin na kung bumigay ako at sumuko, baka magtuluy-tuloy ito.
"Ngayon, pwede ko nang sabihin na 50% okay na ako at ito ay dahilan kina Aga at direk Rory (Quintos).
"Im very comfortable with Aga because he doesnt really probe. Isang tingin lang niya ay alam na agad niya kapag malungkot ako," ani Claudine na ang closeness sa kanyang kapareha ay kitang-kita sa MTV ng kanilang pelikula na ang umaawit ng theme song ay si Gary Valenciano.
Contrary sa sinabi nila ni Aga nung bumisita kami ng ilang press people sa kanilang location sa Pampanga na walang kilig ang pelikula, marami sa mga nakapanood ng MTV ay in love na in love sa ipinakita nilang mga eksena. Swak na swak sila at napaka-senswal ng pagkakaatake nila ng mga eksena.
Kung hindi mo alam na pelikula ito at si Aga ay married at nagdadalamhati pa si Claudine, sasabihin mong may relasyon silang totoo. Ganun kaganda ang MTV, hindi napigilan na mapalatak ni Aga matapos mapanood ito at inamin naman ni Claudine na kung buhay si Rico ay hindi ito papayag na gawin niya ang eksena.
"Dahil di niya kilala si Aga. Yung sensuality ay bunga ng isang workshop na kinailangan kong kunin para sa pelikula," pagtatanggol ni Claudine.
Ang Kailangan Kita na may dating pamagat na Ginataang Apoy ay unti-unti nang nasesentro ang istorya sa isang pag-iibigan, nina Aga na ikakasal na sa kapatid ni Claudine kaya umuwi ng Pilipinas para rito. Sa halip, na-realize niya na maganda pala ang bansang kanyang iniwan at hindi ang makabagong modelo na kanyang pakakasalan ang talaga niyang mahal kundi ang kapatid nito na itinalaga na ang sarili sa pagsisilbi sa kanyang pamilya bilang parusa matapos niyang dulutan ito ng sama ng loob.
Hindi bold ang pelikula pero, inamin ni Claudine na first daring movie niya ito. May kissing scenes sila pero, hindi ito ang first time nila na maghalikan. Nahalikan na siya ni Aga nung 13 years old siya, sa isang telecine.
"Yun ang first screen and real kiss ko. Inaasahan ko na magsisimula ang Kailangan Kita ng pagtanggap ko ng mga mature roles," sabi ni Claudine.
Sa Bicol kinunan ang karamihan ng eksena kaya amoy na amoy ang anghang at sarap ng pagkain dito sa pelikula. Parehong mahuhusay na kusinero ang roles nina Aga at Claudine, ang una, ng pagkaing Pranses at ang ikalawa, ng mga pagkaing Bikolano. Para sa kanilang roles, kumuha ng cooking lessons ang dalawa sa mga tunay na chefs.
Nakatakdang mapanood ang pelikula sa Nobyembre 6 sa direksyon ni Rory Quintos.
Lusot sa matalas na gunting ng MTRCB ang nalalapit nang ipalabas na sex-drama pic ng Regal Entertainment, Masikip, Mainit, Paraisong Parisukat na kinatatampukan nina Joyce Jimenez at Jay Manalo.
Ang kaganapang nabanggit ay itinuturing ng marami sa loob at labas ng industriya bilang isang di-inaasahang pangyayari sa dahilang tigmak sa matitinding bold scenes ang huling obra ng premyadong direktor, Jose Javier Reyes.
Hinalaw ang Masikip, Mainit mula sa premyadong one-act play ng nasirang Orlando Nadres na pinamagatang Paraisong Parisukat. Minsan nang naisapelikula ito noong dekada 70.
Sanhi ng matalas na diskarteng itoy isang makabuluhang pelikula ang nagawang mabuo ni Joey Reyes, bukod sa isang mainit at naglalagablab na sex drama film. Dagdag pang lalo ang pagkakaroon nito ng bidang tulad ni Joyce Jimenez.
"Hindi siya pinagsasawaan ng tao. Especially to her predominantly male crowd. To these guys, lagi pa rin siyang sariwa. Masikip pa rin at siyempre, ang babaeng masikip, natural lang na maging mainit sa kanila," ani Reyes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended