Pero, mabibigo ang mga umaasam sapagkat, bukod sa mayroon nang sari-sariling commitments ang dalawa, ang dating pagmamahal sa isat isa ay napalitan na ng pagkakaibigan."Were good friends. Palagi siyang may puwang sa aking puso," ani Joyce.
Inamin naman ni Jay na hindi siya na-turn on sa mga eksena nila ni Joyce. "Hindi lamang naman sa kanya. Lahat ng mga nakakapareha ko sa ganitong eksena ay hindi nakakaapekto sa akin. Baka, kung walang kamera," ani Jay naman.
Nagsisimula nang maramdaman ang talino ni Jay bilang aktor. Sunud-sunod ang kanyang pelikula. Matapos ang Hubog at Kapalit at ang kasalukuyang ipinalalabas na Prosti kasama si Aubrey Miles, eto na naman siya sa Masikip, Mainit...
"Tahimik siyang tao, off camera, ni hindi mo mararamdaman na nariyan lamang siya pero, kapag nagsimula nang gumiling ang kamera, it becomes a totally different story," ani direk Joey.