Ang Andres Bonifacio Story na naging telemovie ay babaguhin at iriri-shoot at ang napili nilang lumabas sa papel ni Gregoria de Jesus ay si Alessandra de Rossi. Itoy may pamagat na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. "Gusto ko ring ibalik ang karate movies kaya balik-ensayo na naman ako sa martial arts. Ang dream movie ko ay isang maaksyong pelikula gaya ng The One ni Jet Lee. Siyempre, pangarap ko ring makilala internationally as an action star," anang mayor.
Balak niyang isali next MMFFP ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa dahil tumatalakay ito sa kabayanihan ni Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. "Gustuhin ko mang isali ito ngayon ay hindi puwede... por delikadesa naman dahil ako ang over-all vice chairman ng MMFFP sa taong ito," dagdag pa nito.
Provincial superstar si Rey noong 1976 kung saan sunud-sunod ang paggawa niya ng pelikula na puro blockbuster. Sa loob ng isang buwan ay sabay-sabay ang movies niya. Hanggang itatag niya ang Twin Dragon Films International at nakapagpalabas ng 100 films.
Bilang bahagi ng showbiz ay mahal nito ang industriya kaya natutuwa sa pagtulong ni Pangulong Gloria Macagapal Arroyo.
"Bakit malakas siya kay GMA?" tanong ng isang reporter.
"Naging fan kasi ni Mayor Malonzo si Pangulong GMA na mahilig sa sine lalo na sa karate," sey naman ng isa.
Bilang pulitiko ay masasabing naging matagumpay si Mayor Malonzo dahil napakalaki ng proseso sa Caloocan lalo na ang pagiging maganda at makabago ng munisipyo, bago ang palengke, malaki ang commercial center, pinaganda ang ospital at pangarap na makapagpatayo ng Pamantasan ng Lungsod ng Kalookan. Huling termino na ni Mayor Malonzo sa Caloocan at may maganda siyang maiiwan kaya gusto niyang tumakbo pa ring congressman ng lungsod para maipagpatuloy ang mga proyekto lalo na sa Bagong Silang. "Kung ako ang masusunod, gugustuhin kong maipagpatuloy ang aking nasimulang proyekto."
Sa kabilang banda, hindi siya naghihinakit kung hindi man naging nominado sa pagiging best actress sa Star Awards for Television. "Better luck next time," sabi niya.